“Happy birthday Comedy King Dolphy and Sarah Geronimo!!” – Kung mag-kakabirthday kami.. ibig sabihin ba nito ay may pag-asa pa talaga akong maging artista pagdating ng panahon?.. o kaya’y maging isang batikang singer tulad ni Sarah G.??HAHAHAHA.KUNG saka-sakali lang naman. I’m hoping. .
.
Nagulat ako, nasa room ako nung time na yun, nakikipagkwentuhan kay Kuya Ronnie. Ang ganda ng topic namin, nang biglang..
.
.
“Happy birthday to you.. Happy birthday to you.. Happy birthday.. Happy birthday .. Happy birthday to you..!”
Sabay pasok ng mga ka-course ko with matching cake, gifts, at letters. Na-surprise naman ako sa surprise nila,kala ko nakalimutan na nila birthday ko. HAHAHA. Charot. Nagwish muna ako bago ko ihipan yung kandila. (Ilang beses ko nang wish yun e hindi matupad-tupad xD) Tapos kulitan na kami ulit.
Anyways, thankful naman ako at napakaswerte ko nung araw na yun. Wala masyadong pinagawa si ma’am flora. Pero pinag-report niya ako. HAHAHA. Nakaka-otistik lang e, tsaka in fairness.. good mood yung mga prof ko nung araw na yun. Gi-nood time pa nga kami ni Sir Erick, HAHAHA. Lakas men.
.
.
Masaya din ako dahil binati din ako ng mga mahal kong HS friends via text, twitter at facebook. Mas nauna kong replyan yung mga bumati sa text (since mas active ako sa texting world) kaysa sa twitter at facebook. Masaya naman ako. Tinawagan din ako nila Reymar nung pauwi nako sa bus, binate din ako ng mga kasabay nila na sina Hanns, Tricia at King. Tas gi-nood time naman ako ni King. Humanda talaga sakin yun pag nakita ko lang siya. Napakasama.xD Nung naglalakad naman ako pauwi samin, tumawag naman si kamzi, kinantahan niya ako. HAHAHAHA! Natatawa ako e. Naiimagine ko kasi mukha niya. Niyaya niya ako, sabi niya gala daw kami nila nica ngayong parating na Friday which is July 27,2012.
.
.
Nagdadalawang isip ako since gabi na ako makakauwi ng mga time na yun at saka ang dami na naming kailangang ipasa. Pero tinary ko rin at natuloy naman kami. Sa Starbucks kami nagkita-kita. Nauna si kamzi tas dumating na ako, late si nica brad kasi may training pa siya. So daldalan lang muna kami ni kamzi habang inaantay si nica. Usapang Bangag kami e. E kasi naman parehas kaming bangag nung gabing yun. Kung anu-ano na napaguusapan namin. HAHAHA! Ang weird tuloy namin. Nung dumating si nica, kinain na naming yung cake na regalo sakin ni kamzi tas kinantahan nila ako. Awww so sweet J)) Tas niregaluhan naman ko ni nica brad ng doll shoes na red na may polkadots na white.
Umuwi na rin kami ng mga 11 something. What a day J))))
- -
“Kung gugustuhin mo talaga, hahanap at hahanap ka ng oras at pagkakataon upang makasama ang mga kaibigan mo kahit gaano pa karami ang kinakailangan mong tapusin. Trabaho lang yan, iba pa rin kapag kasama mo ang mga tunay mong kaibigan. HUWAG KANG PAPAALIPIN SA TRABAHO .”