Mag-dadalawang linggong walang humpay ang pag-ulan at sunud-sunod ang mga araw na sinuspende ang klase. Binaha ang malaking parte ng Metro Manila at mga kalapit na lugar nito.
Grabe ang mga sitwasyong ipinapakita sa TV. Minsan hindi maiwasang sumagi sa isip ko na tayo ring mga tao ang isa sa may kagagawan ng mga nangyayaring ito sa ating bansa. Hindi tayo madisiplina, tapon dito, tapon doon. Siguro isa to sa kabayaran ng mga masasama nating ginagawa sa kalikasan.
O, ikaw, hinga ka muna. Masyadong seryoso ah?! HAHAHA! Realization at opinion ko lang naman yun.
Nagpapasalamat naman ako’t sumikat na ulit si Haring Araw. Balik na ulit sa dating trabaho. Ang sarap din ng pakiramdam dahil nung mga nakaraang ma araw na suspendido ang klase, nakapagpahinga ako at nakabawi ng pahinga sa mga Gawain sa eskwelahan.
Natapos ko ang pagbabasa sa librong The Devil and Miss Prym at Brida ni Paulo Coelho. Ang ganda ng kwento. About sa temptations at soul ng tao. Kung paano makutento, kung alin sa dalawang importanteng choice ang dapat mong piliin at marami pang iba. Inumpisahan ko na ring basahin yung The Notebook ni Nicholas Sparks.
Sa pagbabalik ni Haring Araw, balik ulit sa pagharap sa mga trabahong dapat tapusin.