Nagbigay na naman si Sir Erick ng panibagong ire-report naming ngayong midterms. At excited ulit ako dahil Reporting na naman ito. Kung anu-ano na namang ideya ang pumapasok sa utak ko nung time na yun. Nag-iisip na ako kung paano ko gagawing kakaiba yung pagrereport ko. Tapos nung nagbigayan na ng irereport, napatapat na naman sakin yung pinakamahirap na topic. Wala akong magawa since yun yung binigay sakin ng prof.
.
.
Nung uwian na sabi sakin ng mga ka-course ko na mukhang sinusubukan ni Sir Erick kung hanggang saan ko makakayanan yung mga mahihirap na pinapareport nya sakin. Mukha nga. Dahil dito lalong hindi ako sumuko. Kinabukasan naghanap agad ako ng mga data na ilalagay ko sa report sa Reference section ng Library. At sa kasamaang palad, wala akong nakuha kahit isang pahina lamang ng libro o journal.
At dahil dyan, wala pa rin akong nasisimulan na report. Amen.