August 05, 2012

July 16-22, 2012

Wala namang masyadong kakaibang nangyari sa linggo ito bukod sa padami ng padami lang naman yung binibigay na mga gawain ni Ma’am Flora. Pero I think we’re getting used to it. Tinanggap ko na sa sarili ko na hindi na talaga babalik si Ma’am Claravall. Siguro may reason si God kung bakit si Ma’am Flora ang pinalit niya. Maiba naman daw siguro. xD

Hindi ko alam kung bakit gustong-gusto ko ang pag-re-report sa harap ng maraming tao. Last Friday, ako yung naka-assign na reporter sa isang major class namin. Na-eexcite ako na kinakabahan. Yung nireport ko ay about “LIBRARIANSHIP.” Thankful ako kay Lord dahil naging successful ang pagrereport ko nung time na yun at nakinig talaga yung mga kaklase at prof ko sa mga pinagsasabi ko. Nung natapos yung report ko, kinakabahan ko dahil baka i-critic ng prof ko (na si Sir Erick ) yung gawa kong powerpoint presentation at ang pag-eexecute ko sa report ko. Masaya ako sa naging comment niya. Sabi niya.. Natuwa daw siya sa way kung paano ko nireport yung naka-assign na topic sa akin. Kakaiba daw at maganda. Yess. Pero kinapalan ko na talaga mukha ko nun xD ayoko kasing maging boring yung kalabasan ng report ko at gusto kong sa akin lang talaga yung atensyon ng mga kaklase ko habang nagrereport ako. =))