July 15, 2012

“PhD."


Isang lingo na naman ang lumipas. Ang bilis ng araw no? Hmm.. Wala naming masyadong kakaibang nangyari ngayong week na ito. Ganun pa rin.. tambak pa rin magbigay ng assignment samin yung isang prof. Bawat meeting may dapat ipasa.

Kahapon, July 14, 2012 Sabado, Nagpunta kami ng SM Megatrade Hall para sa isang seminar na may kaugnayan sa International Librarianship. Yung nag-talk ay isang Professional Librarian. Name any country... lahat ng masasabi mo ay napuntahan nya na WITHOUT spending any cents from her own pocket. Lahat yun, libre nyang napuntahan. At binayaran pa siya. Dinis-cuss niya and pagkuha ng Phd o Doctoral naming mga librarian. Maganda daw na kumuha kami nun pagdating ng panahon. Na-inspire talaga ako sa mga pinagsasabi niya sa harap. Sabi ko sa sarili ko.. Gusto ko tulad din nila ako pagkagra-duate. DETERMINATION daw ang puhunan. TRY and TRY. Kung bumagsak ka man ng isang beses.. edi okay, atleast you learned something.  Try pa rin ng Try. Kung nagwagi ka naman.. congratulations.

Bigatin yung mga umatend ng seminar. Puro professional  at licensed librarian. Puro matatanda na sila. Sa tuwing tinitignan ko sila.. kinikilabutan ako… hindi dahil nakakatakot ang itsura nila. Parang  SOBRANG taas na kasi ng achievement nila.. At napakasaya sa kalooban na magkaroon ng mga speakers na marami nang experience lalo na sa field na pinasukan ko.  Isa sa kanila si Prof. Nera na nag-aasikaso at kasama sa committee ng nagawa ng Board Exam naming mga libraria. Nagsalita rin siya. Natutuwa ako lagi pag nakikita ko siya. Ang kikay niya. Hahaha! Tapos kapag nagsasalita malambing na mabagal.kaya matatawa ka talaga. Kinakagat ko na nga yung dila ko para hindi ako makatawa ng malakas. HAHAHA.
Kahit ang hirap ng byahe ko/ naming papunta at pauwi.. hindi pa rin ako nag-sisi na pumunta ako sa seminar na ito. Ang dami kong nalaman. At isa na rin itong malaking pribilehiyo para sa akin dahil nakasalamuha ko ang mga bigatin at Respetadong Librarian ng Pilipinas.

- - -
LIBRARIANSHIP <3
Na-inspire akong kumuha ng Masteral at Doctoral. Sana makuha ko to pagdating ng panahon. =))