July 08, 2012

HELLO , Marami akong kwento.
.
.
Let’s start.
.
.
Last last last week, tuloy-tuloy yung pag-absent ng Prof naming si Dr.Nora Claravall sa dalawang major subject na hawak niya sa aming mga second year. Nung una.. Masaya kami kasi walang ginagawa, food trip lang tas kwentuhan sa room.. nung medyo tumagal na.. nag-alala na kami. Nalaman naming nagkasakit si ma’am claravall. Tapos malapit  na prelims.. isang beses lang niya kami na-meet mula nung june 4.
.
.
Hanggang dumating ang miyerkules ng third week ng june. Nalaman naming NAG-RESIGN na siya. NAG-RESIGN men. NAG-RESIGN. Hindi magandang balita samin to. Nalaman naming kaya siya nag-resign ay dahil hindi na kaya ng katawan ni ma’am na magturo sa tatlong school (UST, CEU at UE) since part-time job lang niya yung pagtuturo sa UE at CEU, binitawan niya to. Sa UST na lang siya nagtuturo ngayon. NAKAKALUNGKOT. Pramis. Kakaiba ka siyang prof. Madaling pakiusapan.. considerate.. madaling mapangiti.. Marami kaming natutunan sa kanya last semester at the same time, NAG-ENJOY talaga kami sa kanya. As in SUPER ENJOY. Love na love namin si ma’am. =(
.
.
Namumrublema na kami kasi walang mahanap na magtuturo sa amin since kokonti lang ang nagtuturo ng LIS. TAPOS.. dumating si Dr. Flora Dolores. Men, akala ko tulad siya ni ma’am claravall na considerate at madaling mapatawa.. Nagkamali AKO. KAMI.
Lagi siyang nagbibigay samin ng assignments  sa 2 major subject na hawak niya na inenrol namin. At kakaiba siya kung magbigay ng assignment. KAKAIBA. Kakailanganin mo talaga na magbigay ng mahabang oras at panahon para magawa mo yun. At hindi biro yun since hindi lang naman siya yung prof na dapat na pagtuunan namin ng pansin mag-isa. So.. S-T-R-E-S-S  kami palagi sa kanya. As in Stress to the fourth power.
.
.
“I love to see you suffer.”  *laughs* - - sabi niya samin pagkapasa nami ng sandamakmak na papel na para LANG sa assignment niya. Siya na mismo nagsabi na “NAPAKA-SADISTA ng sinabi niya na yan. Walang tumawa samin. Kala niya sasakyan naming yung joke na yun? Damn.
.
.
.
.
Anyways.. next topic.

NAGLIBRARY TOUR KAMI SA CENTRAL LIBRARY AND ARCHIVES NG ABS-CBN.
Ang saya. Kakaiba yung collections nila. WALANG LIBRO. Puro digitized na yung collections ng library nila. Pinakita samin kung pano nila pi-ne-preserve yung mga films, at lahat lahat ng palabas ng ABS-CBN simula’t sapul ng nag-umpisa sila. Ang saya, Parang gusto kong magtrabaho or mag-OJT dun. HAHAHA. =)
-          -    

Miss ko na si ma’am claravall. =(