January 15, 2012

Challenges.

Nabasa ko yung isang blogpost ni Ysa yung about sa “Buhay Second Semester” niya .Nakarelate kaagad ako sa first two paragraph nya. Nga lang, baliktad naman kami, sa umaga ako empleyado, sa hapon ako estudyante.

Hindi pumasok sa isip ko na ganito mangyayari sakin ngayong college. And worst, hindi ko pa gusto itong course na kinuha ko. Pero no choice ako..
ay mali...
Erase,
erase.

 Actually marami akong choices. Pero hindi ko alam kung bakit ko kinuha yung offer ng SJA. Ewan.. ang gulo. Siguro plano to ni Lord. Siguro, siguro nga.

Tae, nadi-distract ako..habang tina-type ko kasi to, nanonood ako ng Party Pilipinas,party party kanta putek.
So ayun, Ang ganda ng performance ko nung first sem. Nagexcel ako sa lahat ng subjects , natuwa sakin yung mga prof, mga taga-SJA at yung mga nasa Human Resources Department ng SJA lalo na nung pinakita ko yung class card ko sa kanila. Natuwa rin ako. Pero lalo akong na-pressure. SUPER, MEGA PRESSURE.

MWF ako laging nasa SJA. 7:30 hanggang 11:00am ako dun sa library, ang hirap, kahit kasi may assistant si Mrs.Mendoza, Inaasahan nya rin kasi ako dahil wla namang ganung naitutulong ang assistant nya sa library. Tambak ang trabaho. Nkakaloka pang mag-catalog isa-isa ng mga libro sa Library. Akala ko dati madali lang mag-catalog, sakit sa ulo rin pala.
Pagdating ng 11:00am aalis nako.Time pressured.Mabilisan akong nakain ng lunch. Minsan nga sa byahe na ko nakain. Minsan naman di nako nakakapaglunch.Minsan sa classrom na mismo.Parang nasa extra challenge lang e. Wew. Stresh ang lola nyo. Chos! 1:00 pm-6:00pm yung klase ko. Tuluy-tuloy, walang break kahit 5 minutes man lang. Kaya ang ginagawa ko minsan magpapaalam akong mag-C-CR  pero didiretso ako sa Canteen. Minsan buong tropa sasama sakin. Pero isa-isa labas namin. Wala,ka-katouch lang, walang iwanan.
Block ako nung First Sem. Brat yung ¼ ng klase. 2/4 seryoso sa pag-aaral at ¼ naliligaw na ng landas dahil sa bisyo tulad ng yosi at alak. Naaawa ako sa mga magulang nila, nilulustay sa walang ka-kwenta-kwentang bagay ang pera nila. Pero wala akong pake, buhay nila yan e. Ginusto nila yan.Panindigan nila. Pero di ko naman sinasabing masama sila, sa katunayan nga kaibigan ko sila. Mababait naman sila e,nahaluan nga lang ng bisyo. Nang tumagal, nalaman ko yung mga “past” na nangyari sa buhay nila,nalaman ko ang dahilan kung bakit sila nagka-bisyo, kung bakit sila naging brat at pasaway.
Muntikan ko na ngang i-try mag-yosi e. Pero nagpapasalamat ako dahil hindi ko ginawa. Inisip ko yung kahihinatnan ko. So ayun. Di ko na ginawa.

Natapos ang 1st Sem, maganda kinalabasan . Nakuha akong University Scholar.So wala kaming binayaran, pati yung SJA wala rin. Miscellanous kasi yung binabayaran namin tas tuition sa SJA. Akala ko nung una dahil sa walang babayaran yung SJA, ibibigay nila sakin yung pera na dapat sa tuition ko para maging allowance ko na lang. Pero fail. Ok lang naman sakin. Pera lang naman yan. Baka pagsinabi ko pa sabihin nila hinahabol ko yung pera. Ayoko ng ganun.

Isa pang stresh ako: Pag-uwi ko kinagabihan. Darating ako mga between 8:00pm to 9:30 or 11:00 pag may practice practice. Tapos dadatnan kong magulo yung bahay.As in magulo. Walang maasahang maglinis. Minsan nga gusto kong sumigaw at umiyak na lang.Tapos sasabay pa yung mga tambak na school works, assignment tapos kailangan ko pang gumising ng maaga kinabukasan para magpunta sa SJA. Haaay buhay, parang life. Tapos tuturuan  ko pang gawin yung mga assignment ng ng pinsan ko at ng kapatid ko. Ang hirap. Sobra. Pero dapat kayanin.

**To be continue