Calm Down,
woo.
inhale..
..
exhale..
..
wooh.
Ang sakit sa utak ng mga nangyari last week hanggang lunes.
Pinaaatend kami sa LIS Congress sa UP Diliman-Monday, January 16,2012. 8-5:oo pm
Madaming proseso bago kami makapunta dun.
at nagtataka kaming mga first years.
"The F*ck, bakit di tayo inaasikaso ng mga higher years?"- sabi ng ka-course kong first year.
"Ewan, sabi nila yung Pres. ng org natin may OJT daw."
HA?! ANO? dahil lang may OJT siya hindi nya na kami aasikasuhin? Dapat alam nya yung responsibilidad nya as a President ng Organization namin. Kakaunti na nga lang kami hindi pa maasikaso?kahit konting time lang.
.
..
...
Wala pa ring nagasikaso after 2-3 days. -_-
So, ano pa ba? edi kami na umaksyon. Gumawa kami ng excuse letter para sa mga klaseng maaapektuhan ng seminar na yun para sa lunes.Nagrequest kami ng bus. Pero hindi na namin tinuloy na ipasa yun sa dean dahil alam naming magagalit yun dahil dapat ay one week before pa namin ni-request yung BUS. -__-
Nagpalate kami sa isang subject para lang matapos ito. Pahirapan magpapirma. kainis.
In the end, napapirmahan din namin yung Dean.
Saturday came.
Walang nag-ggm about dun sa upcoming seminar. Nag-iniate nako na I-GM yung details about dun, kung saan yung meeting place namin, anung oras, anung susuotin, etcetera. Nagreply sila."OO" raw. SIGE.
Sunday.
Sumumpong ang sakit ng ulo ko. So maaga akong natulog mga 6:oopm tulog na ko. Nagising ako ng 11:00 andaming message. 30 new messages ang laman ng inbox ko. May nag-PM.May mga Nag-GM.
"Roana, anung oras ulit meeting place?"
"Roana, pano kung walang org shirt?pwede ba yung red shirt na lang?"
"Roana, di na ko pupunta. baka antayin nyo pa kasi ako bukas e"
"Hindi nako sasabay. kita na lang tayo sa Philcoa"
"Roana.."
...
..
....
Pinagsisihan kong binasa ko ung mga message na yun.Nawala antok ko. dumagdag sa sakit ng ulo ko yung mga nabasa kong message.Takte naman talaga o. 11:oo pm-2:00am hindi ako nakatulog. gising ako. nagiisip. naii-stress. -__-
Kinabukasan, 4:00 gumising nako. ang lamig ng tubig na pinaligo takte, anlamig talagaaa.
4:56 ayos nako, mga 5:00am lumarga na. Nag-gm ako sa kanila :
"LS, angara naman o, bakit kung kelan last minute tska kayo magsasabi na di-na kayo makakapunta? Nag-si-OO kayo nung nag-gm ako tas ganto gagawin nyo?sana man lang sinabi nyo kahit linggo ng umaga para naayos.umaasa ako at yung iba na magsasabay sabay tapos ganito mangyayari?"
Walang smiley yung mga text ko sa kanila. Nagreply sila.. sabi nung treasurer : "roana pagpasensyahan mo na yung mga higher year na LS. ganyan talaga yung mga yan. pasaway. tsaka yung iba sa kanila malapit na sa UP kaya di napupunta pang Recto.."
reply ko:
"okay lang naman na di sila sumabay e, sana man lang sinabi nila ng maaga para di kami umasa."
kakabwisit.
Ang hirap maghanap ng jeep na may Coastal na sign. andilim pa super.
Nung nakahanap ako ng jeep tinignan ko yung mga sakay, shet. kinakabahan ako, iba yung mga ngiti nila e. Tumabi ako sa mapagkakatiwalaang lalaki sa gilid. ako lang kasi yung babae sa jeep. yun. nakahinga ako ng maluwag nung nakababa na sila sa Coastal. May mga babae na ring sumakay.
Bumaba ako sa Baclaran. Tahimik pa. Wala pang ganung tao. Basta nakakatakot. Hawak ko yung Payong ko tas nakalabas yung Pabango ko. pang Self-defense. HAHAHA! paranoid?paranoid? xD dalawang babae lang kami naglalakad sa papuntang LRT. Hindi nako nag Bus dahil alam kong malelate pa ako.
Yun. sa awa ng Diyos,maayos naman akong nakasakay. Laughtrip mga itsura ng tao nung mga time na yun e. bangag lahat. haha!!
Edi yun, bumaba ako sa D. Jose. Maingay na. ma-polusyon na kagad kahit ang aga aga pa lang. Pero madilim pa rin. Kinakabahan din ako habang naglalakad. takte. Maglakad ka ba naman sa kalsada ng Recto ng madaling araw e.
As usual, ako nauna sa meeting place. Nag-Mcdo muna ako sa Loyola.ambabagal nila. tinext ko sila ulit. On the way pa lang daw. basta, ang gulo gulo. kainis talaga.