Tuwing time na to,hindi ako ganun kaingay.Ewan ko kung bakit.Nahiwalay kasi yung sched ng English ko sa mga katropa ko talaga.Free Sec na kasi kami, hindi na block. Iba yung time ng English nila sa akin at iba din ang room. Yung room ko sa CCSS (College of Computer Studies and System) pa matatagpuan, sila sa College of Engineering pa. So nung first day, nakipagkaibigan ako para naman may kakilala ako sa room na yun. Sa sobrang tahimik ko minsan, akala nila seryoso ako palagi.Natatakot sila magtanong sakin. "Ms. Flores" ang tawag nila sakin.Hindi nila ako tinatawag gamit ang Firstname ko. Pero nakikipagtawanan pa naman din ako sa kanila, depende kung mabenta ang mga sinasabi nila or sobra talagang nakakatawa.
Isang araw..
Tinanong ako ng Prof ko.
"Ms. Flores, would you like to join the MR.& MS. CCSS 2012?"
Sinagot ko tong tanong ni ma'am . Sabi ko hindi ako pwedeng sumali dyan kasi hindi naman ako kabilang sa College na yan. Sabi ko galing ako sa CAS (College of Arts and Sciences).
Tumango yung prof.
"Ooh. How about the Mr. & Ms. Venus and Adonis?You'll become famous Ms. Flores if you join this pageant. I'll exempt you in the midterm exam and give you plus points in the finals."
Sumigaw yung mga kaklase ko. "SUMALI KA NA!! " "DALI,SUSUPORTAHAN KA NAMIN."
Touch naman ako, susuportahan nila ako kahit di ako taga-college nila. LOL xD
"I'll think about it ma'am, CHAR!" > yan yung sinabi ko sabay tawa.Tapos nagtinginan sakin yung mga kaklase ko.Nagulat sila. First time nila akong narinig na magsalita ng ganung salit. yung "CHAR." tapos super lakas pa ng tawa ko.Pati yung prof nagulat kasi tahimik lang ako diba pag time na to?
Inulit nila yung sinabi ko. "Char?!" sabay tawa rin sila. yun. para lang kami naglolokohan. Sumabog ako bigla e. HAHA!hindi natiis mag-ingay. HAHAHA! So yun, lalong dumami friends ko after nung incident na yun. Hindi na sila natatakot magtanong o kausapin ako.
After akong tanungin ni ma'am..
nagtanong naman siya ng isang lalaki sa kaklase ko kung interesado din ba sumali sa Mr. & Ms. Venus and Adonis.
Nagulat ako.
Ang tinanong nya yung crush ko.
Crush lang naman. Attracted lang, pero walang affection.
Gets nyo ba yun??
Pero wala akong ma-feel. so hindi ako inlove sa kanya. attracted lang.
paulit-ulit? HAHAHA! tska, I'm .. xD
Taga-Ireland siya pero Pilipino. Kasali sya sa Team B ng Basketball player ng Red Warrior.
Nakilala ko sya kasi English time nun tas nagkaroon ng grouping. naging kagrupo ko sya.3 tao lang sa bawat group.Hindi rin ako nagdadadaldal nun. May pinagawa yung prof.
Gumawa daw kami ng 12 sentences na iba't-iba ang tense. Sa isang papel lang isusulat yung sagot. Nung tapos na ako , Tinanong ko sya kung nasan yung sa kanya.Pure English ko siya tinanong.
Ngumiti siya tapos alam nyo sinagot nya sakin?
"Oo. tapos nako. tama ba 'tong ginawa ko?"
(o.O) TAKTE. kala ko hindi nakakaintindi ng tagalog. marunong pala mag-Tagalog ang loko.
Yun, tapos nagkausap-usap na kami mula nun.
edi yun.. tinanong nga siya ng prof kung interesado siya sumali, "Oo" daw. sasali siya. Edi siya na may-guts. tapos nung dismissal na, nagamamadali ako umalis kasi next class ko kagad sa Major. Nakasalubong ko siya. hindi ko siya napansin,kinawayan nya ko sabay ngiti.
In the end, hindi na ko sumali. ayoko e. next year na lang. Tska wala akong talent. anong gagawin ko dun sa stage? Magdo-drawing ng cartoon characters?kumanta xD? yun lang naman talent ko e.
- - -
Napaisip tuloy ako kung ano nga ba talent ko.. WALA E :'(
BOW.