June 24, 2012


THE FIVE PEOPLE YOU MEET IN HEAVEN by MITCH ALBOM
Kakatapos ko lang basahin last last week. Napakagandang istorya. Thumbs up for Mitch Albom. =))

June 19, 2012

nakakainis, sana di ko na lang nakita yun. nak nang.. jellyace.
#taoLang.

June 17, 2012

Natapos na ang unang dalawang lingo ng semester na ito. Dalawang linggo pa lang, pero parang ang dami nang nangyari. Nakakapagod. Nakakabangag. Nakakatuwa. Nakakainis.

Nitong dalawang linggo din ako nag-umpisa sa pagharap ng responsibilidad bilang bagong treasurer ng organization namin. Challenging, conflict kasi yung time ng paniningil ko sa kanila ng buwis sa schedule ko. At dahil doon, kailangan kong dumiskarte. At sa awa ng Diyos, nakapaniningil ako kahit conflict sa time ko.

Akala ko puro magagaling at enjoyable na prof ang kababagsakan ko ngayong sem. Hindi pala. Yung Propesora namin sa English(College Reading and Writing) ngayong Sem ay puro daldal. At pagawa ng kung anu-ano. Tuwing time niya, inaantok kami lagi. Minsan nga hindi na ako nakikinig, kasi kung anu-ano ang pinagsasabi niya. Minsan naman, nilalaro ko yung ballpen ko, hinihipan ko sa desk ko. Try niyo.

Nakabangga ko nung first week yung President ng Organization namin. Nainis kasi ako sa kanya. Nag-ugat kasi yung misunderstanding saming mga second year nung enrolan. Dapat kasi 6 na major ang dapat naming makuha e 4 lang yung inenrol naming.. so nainis sila kasi hindi daw naming sila tinatanong, e samantalang nung nagenrol kami, nandun sila tas di nila sinabi kung anu-ano ang dapat i-enrol. Inirapan niya ako, so ako naman, naginit ulo ko, kasi ang ayos-ayos ng ngiti at approach ko sa kanya tapos ganon ibubungad niya sakin. Sabi ni Deil (ang bakla kong kaibigan na isa sa ka-close sa course naming na talo pa kaming mga babae pag nag-ayos..) babaan ko daw yung pride ko. Tinry kong magsorry sa kanya about dun sa enrolan issue in behalf ng buong second year.

Ako: “Ate jes.. Sorry nga po pala.”
Ate Jes: “ANONG SORRY? PARA SAAN?!” *pasigaw*

Nabadtrip lalo ako sa kanya sa sagot niyang yan. Nilayasan ko siya  tas hinabol niya ako. Sabi niya Joke lang yung pagsigaw na yun, Pero nag-iinit pa rin ulo ko. Sabi ko sa kanya, “Wala, wala.” Tas nilayasan ko siya ulit kasama yung mga second year.

Tinext ko siya nung gabing yun habang nasa bus ako. Sabi ko:
“Ate jes, good evening. Una sa lahat sorry kung may pagkakamali kaming mga second year sa i-nenrolang subjects. Pangalawa po, sana po intindihin nyo po yung desisyon namin. Kasi, sorry for the word, pero parang nakakagago yung ginawa mo sakin kanina.. Yung ang ayos-ayos ng pagkakatanong at approach ko sa inyo tas ganun yung isasagot nyo sakin. Ang taas po kasi ng respeto ko sa inyo, at ayokong masira ng buo iyon lalo na’t may pinagsamahan din tayo .”

Walang smiley ang everything yung text ko sa kanya. Nagreply siya.

“goodevening din roan, pasensya na kung nasungitan kita kanina, Yung about dun sa subjects, wala na yun. Ganito lang talaga ako. Pasensya na rin.”

Hindi ko na siya nireplyan.

Pero medyo nagkakausap-usapn na naman kami ngayon. Pero.. hindi ko parin makalimut-kalimutan yung nangyaring yan.


June 10, 2012

Yung tipong gabi ka na nakakauwi tapos kailangan mo pang gumising ng sobrang aga kinabukasan para sa major subject. Damn this sem. I hate my schedule very much.
.
.
#estudyanteLangHo.

May 28, 2012

Mga bagay-bagay lang.

Pasukan na namin ngayong June 4. Ambilis.. Pero ok na rin kesa naman araw-araw akong nasa library ng school ko dati.Minsan kasi napapaisip ako.. Minsan nagsasawa na ako dahil araw-araw ganun at ganun din ang ginagawa. Maraming dapat tapusin. Kailangan hindi ka magkamali."Precision" at "Accuracy" ang nangingibabaw dapat sa bokabularyo mo.Hindi lang mga bata ang hinaharap mo araw-araw..kundi maging mga teachers, parents..at mga empleyado. Iba't-ibang bagay ang kailangan nila. Kailangang marunong kang sumagot..
.
.
.
Dati, bago ako pumasok, nag-aalay ako ng 3 oras, MWF sa library. Na-challenge ako.. kailangang marunong kang mag-manage ng oras mo, kung hindi..may maaapektuhan kang klase sa schedule mo.Magagahol ka lalo na't mahaba ang biyahe pag papasok na. Hindi ko lang alam ngayon.. May pangumaga kasi akong klase 9:30am. Mukhang hindi nako makakapunta ng MWF. Hindi ko alam sa kanila kung ano nang mangyayari.. Nagsuggest ako na tuwing araw ng linggo na lang ako magpunta at bawiin yung oras na dapat ay ibinibigay ko tuwing MWF.Titignan pa nila..
.
.
.
Ang pangit ng schedule ko ngayong 1st sem. 7:00pm ang uwi ko tuwing MWF. Hassle, kasi kinabukasan dapat maaga ka ulit magising para mahabol yung klase mo. Tapos babagyo pa..  Minsan, hindi rin nawawala sa isip ko habang naglalakad sa Recto  yung mga taong nakakasalubong ko.. "mapagkakatiwalaan ko ba sila?".. "nanakawan na ba nila ako?.." haha. Paranoid lang e. Ingat na ingat ako. hikaw at relo lang ang sinusuot ko kapag napasok.Yung cellphone ko, tagong tago, pati yung wallet.Lagi kong hawak yung payong ko, pangself defense.Ihahampas ko sa pagmumukha ng taong magtatangkang nakawan at gawan ako ng masama. Sayang nga e, bawal kasi magdala samin nung swiss knife. kaya hindi ako makapgdala. Habang tumatagal naman, nagiging komportable nako. basta dapat hindi ka aanga-anga habang naglalakad o anu pa mang dapat gawin mo.
.
.
.
Marami ding major subjects ang ipinagkaloob samin ngayong 1st sem. Pito o anim ata, iba't-ibang year din ang kaklase ko.. Nakakapressure. Tas ginawa pa nila akong officer ng Organization namin. Treasurer. Alam. na. Hahaha. joke lang. Hindi ko sisirain pangalan ko dahil sa pera. Tapos ino-offer din sakin na maging President kapag naging 3rd o 4th year na ako. Ano kayang kakalabasan ng organization namin kapag ako ang pinuno? Haha! Feeling ko sabog at baliw-baliwan lagi xD Hahahahaha!
.
.
.
Second year na rin ako. ambilis ng panahon. woo! Gusto ko nang maka-graduate at magtrabaho.
#EnjoyLife =))

May 23, 2012

Back to school 2012

Malapit nang mag-Hunyo. Ibig sabihin, pasukan na naman. Ambilis ng panahon no? Dati nanay ko pa yung nag-eenrol sa akin nung nasa elementarya pa ako. Ngayong nasa kolehiyo na ako, ibang kwento na dude. Malaki  ang pagkakaiba. Maraming nagbago. Maraming bagong experience. Halu-halo ang feelings.charot. feelings kasi. ;)

Marami akong natutunan nitong first year ko sa college. Nakita ko ang iba't-ibang mukha ng corruption, pandaraya,  panlalamang, pagkakaibigan, kahalagahan ng bonding kahit busy ang schedule, pagtitiwala, pag-sisisi, paglulustay ng pera at marami pang iba.

Namiss ko yung mga ka-block ko nung first sem. Namiss ko yung bonding namin, yung pagkakaisa namin, yung panggugulo namin sa klase.. masaya. kakaiba. kung baga sa naka-drugs.. "High" na "High"


Pagbyahe. Nakakapagod. Paulit-ulit. Pagpasok at pag-uwi. Tas sabayan mo pa ng ulan at bagyo. Yummy ang klima itetch sa Pilipiners with matching baha pa ang drama. Hahaha. idaan lang yan sa tawa. Ang hindi ko lang lubos maisip ay kung bakit nakakapagod bumyahe samantalang wala namang ginagawa sa byahe. diba, diba? nakaupo lang. Nakatingin sa bintana. e pano kung naka-LRT ka naman? stress minsan. kasi may times na inaatake ng pagkasapak sa ulo yung mga taong nakakasakay ko..at ako rin pala. yung simpleng naapakan ka lang ng di sinasadya may away nang mabubuo. Asteeg. Naranasan ko rin yun dati.. Iritable ako nung araw na yun.Meron ata ako (it's a girl thing). Tas ayokong masasanggi. Hahaha. arte. nakasimagot lang ako pagmasasangi tas minsan pag tinoyo titignan ko yung nakasanggi sakin. Sinasapian ata ako ng masamang elemento kaya nagkakaganyan ako (sinisi pa yung masamang elemento e no? xD)

Ang the best sa lahat ay FOOD TRIP. Maswerte kaming nasa University belt kung ikukumpara sa ibang school gaya ng UE Caloocan. Dun kasi, walang kainan. Malayo. Samantalang kaming nasa U.Belt, biniyayaan ng maraming kainan na kakaiba. Ine-explore namin yung iba pang kainan kapag lunch break o merienda time namin.. o kaya minsan... magpapaalam kami sa prof na mag-c-cr lang pero ang totoo talaga ay kakain kami. O kaya naman dadalhin namin yung pagkain namin sa classroom at library. Kanya-kanyang taguan ng pagkain. kailangang makaligtas ka sa mata ng lumilibot na librarian. Kanya-kanyang taktika para mabuhay xD hahaha.

Pagkatapos ng mga major exams, nakagawian na naming i-treat ng mga ka-course kong ka-year ko rin  ang aming mga sarili. Minsan kakain kami ng walang kamatayan..Minsan mamimili kami ng bagong gamit sa SM, Isetan Recto,Ever Morayta.. at marami pang iba. O kaya naman sa dorm ng iba naming classmate.


* Alam kong umpisa pa lang ito ng buhay Kolehiyo. Madaragdagan pa.May mag-iiba. May magbabago. Pero sa bawat pagbabago, dapat ay may matutunan pa rin tayo at matutong ituwid ang mga nagawa nating hindi kaaya-aya. Hindi natin dapat kalimutan yung mga taong nandyan palagi sa atin. Huwag natin silang i-take for granted porke nandyan lang sila palagi dahil baka dumating yung panahon na mapagod din sila. kailangang mag-laan tayo ng oras kahit pa busy yung schedule natin sa mga kaibigan at kaklase natin noon at maging ngayon. Grades lang yan. Hindi pa rin mapapalitan nun ang pagkakaibigan. Ang saya kaya..Masaya akong nakikita ko pa yung mga gradeschool at highschool friends ko ,at the same time..nakakabonding ko pa rin yung mga college friends ko. Ang sarap ng feeling. yung kulitan.. asaran.. kwentuhan.. pagkukwento ng mga unforgettable moments dati.Ang sarap balikan. =)