Marami akong natutunan nitong first year ko sa college. Nakita ko ang iba't-ibang mukha ng corruption, pandaraya, panlalamang, pagkakaibigan, kahalagahan ng bonding kahit busy ang schedule, pagtitiwala, pag-sisisi, paglulustay ng pera at marami pang iba.
Namiss ko yung mga ka-block ko nung first sem. Namiss ko yung bonding namin, yung pagkakaisa namin, yung panggugulo namin sa klase.. masaya. kakaiba. kung baga sa naka-drugs.. "High" na "High"
Pagbyahe. Nakakapagod. Paulit-ulit. Pagpasok at pag-uwi. Tas sabayan mo pa ng ulan at bagyo. Yummy ang klima itetch sa Pilipiners with matching baha pa ang drama. Hahaha. idaan lang yan sa tawa. Ang hindi ko lang lubos maisip ay kung bakit nakakapagod bumyahe samantalang wala namang ginagawa sa byahe. diba, diba? nakaupo lang. Nakatingin sa bintana. e pano kung naka-LRT ka naman? stress minsan. kasi may times na inaatake ng pagkasapak sa ulo yung mga taong nakakasakay ko..at ako rin pala. yung simpleng naapakan ka lang ng di sinasadya may away nang mabubuo. Asteeg. Naranasan ko rin yun dati.. Iritable ako nung araw na yun.Meron ata ako (it's a girl thing). Tas ayokong masasanggi. Hahaha. arte. nakasimagot lang ako pagmasasangi tas minsan pag tinoyo titignan ko yung nakasanggi sakin. Sinasapian ata ako ng masamang elemento kaya nagkakaganyan ako (sinisi pa yung masamang elemento e no? xD)
Ang the best sa lahat ay FOOD TRIP. Maswerte kaming nasa University belt kung ikukumpara sa ibang school gaya ng UE Caloocan. Dun kasi, walang kainan. Malayo. Samantalang kaming nasa U.Belt, biniyayaan ng maraming kainan na kakaiba. Ine-explore namin yung iba pang kainan kapag lunch break o merienda time namin.. o kaya minsan... magpapaalam kami sa prof na mag-c-cr lang pero ang totoo talaga ay kakain kami. O kaya naman dadalhin namin yung pagkain namin sa classroom at library. Kanya-kanyang taguan ng pagkain. kailangang makaligtas ka sa mata ng lumilibot na librarian. Kanya-kanyang taktika para mabuhay xD hahaha.
Pagkatapos ng mga major exams, nakagawian na naming i-treat ng mga ka-course kong ka-year ko rin ang aming mga sarili. Minsan kakain kami ng walang kamatayan..Minsan mamimili kami ng bagong gamit sa SM, Isetan Recto,Ever Morayta.. at marami pang iba. O kaya naman sa dorm ng iba naming classmate.
* Alam kong umpisa pa lang ito ng buhay Kolehiyo. Madaragdagan pa.May mag-iiba. May magbabago. Pero sa bawat pagbabago, dapat ay may matutunan pa rin tayo at matutong ituwid ang mga nagawa nating hindi kaaya-aya. Hindi natin dapat kalimutan yung mga taong nandyan palagi sa atin. Huwag natin silang i-take for granted porke nandyan lang sila palagi dahil baka dumating yung panahon na mapagod din sila. kailangang mag-laan tayo ng oras kahit pa busy yung schedule natin sa mga kaibigan at kaklase natin noon at maging ngayon. Grades lang yan. Hindi pa rin mapapalitan nun ang pagkakaibigan. Ang saya kaya..Masaya akong nakikita ko pa yung mga gradeschool at highschool friends ko ,at the same time..nakakabonding ko pa rin yung mga college friends ko. Ang sarap ng feeling. yung kulitan.. asaran.. kwentuhan.. pagkukwento ng mga unforgettable moments dati.Ang sarap balikan. =)