May 28, 2012

Mga bagay-bagay lang.

Pasukan na namin ngayong June 4. Ambilis.. Pero ok na rin kesa naman araw-araw akong nasa library ng school ko dati.Minsan kasi napapaisip ako.. Minsan nagsasawa na ako dahil araw-araw ganun at ganun din ang ginagawa. Maraming dapat tapusin. Kailangan hindi ka magkamali."Precision" at "Accuracy" ang nangingibabaw dapat sa bokabularyo mo.Hindi lang mga bata ang hinaharap mo araw-araw..kundi maging mga teachers, parents..at mga empleyado. Iba't-ibang bagay ang kailangan nila. Kailangang marunong kang sumagot..
.
.
.
Dati, bago ako pumasok, nag-aalay ako ng 3 oras, MWF sa library. Na-challenge ako.. kailangang marunong kang mag-manage ng oras mo, kung hindi..may maaapektuhan kang klase sa schedule mo.Magagahol ka lalo na't mahaba ang biyahe pag papasok na. Hindi ko lang alam ngayon.. May pangumaga kasi akong klase 9:30am. Mukhang hindi nako makakapunta ng MWF. Hindi ko alam sa kanila kung ano nang mangyayari.. Nagsuggest ako na tuwing araw ng linggo na lang ako magpunta at bawiin yung oras na dapat ay ibinibigay ko tuwing MWF.Titignan pa nila..
.
.
.
Ang pangit ng schedule ko ngayong 1st sem. 7:00pm ang uwi ko tuwing MWF. Hassle, kasi kinabukasan dapat maaga ka ulit magising para mahabol yung klase mo. Tapos babagyo pa..  Minsan, hindi rin nawawala sa isip ko habang naglalakad sa Recto  yung mga taong nakakasalubong ko.. "mapagkakatiwalaan ko ba sila?".. "nanakawan na ba nila ako?.." haha. Paranoid lang e. Ingat na ingat ako. hikaw at relo lang ang sinusuot ko kapag napasok.Yung cellphone ko, tagong tago, pati yung wallet.Lagi kong hawak yung payong ko, pangself defense.Ihahampas ko sa pagmumukha ng taong magtatangkang nakawan at gawan ako ng masama. Sayang nga e, bawal kasi magdala samin nung swiss knife. kaya hindi ako makapgdala. Habang tumatagal naman, nagiging komportable nako. basta dapat hindi ka aanga-anga habang naglalakad o anu pa mang dapat gawin mo.
.
.
.
Marami ding major subjects ang ipinagkaloob samin ngayong 1st sem. Pito o anim ata, iba't-ibang year din ang kaklase ko.. Nakakapressure. Tas ginawa pa nila akong officer ng Organization namin. Treasurer. Alam. na. Hahaha. joke lang. Hindi ko sisirain pangalan ko dahil sa pera. Tapos ino-offer din sakin na maging President kapag naging 3rd o 4th year na ako. Ano kayang kakalabasan ng organization namin kapag ako ang pinuno? Haha! Feeling ko sabog at baliw-baliwan lagi xD Hahahahaha!
.
.
.
Second year na rin ako. ambilis ng panahon. woo! Gusto ko nang maka-graduate at magtrabaho.
#EnjoyLife =))

May 23, 2012

Back to school 2012

Malapit nang mag-Hunyo. Ibig sabihin, pasukan na naman. Ambilis ng panahon no? Dati nanay ko pa yung nag-eenrol sa akin nung nasa elementarya pa ako. Ngayong nasa kolehiyo na ako, ibang kwento na dude. Malaki  ang pagkakaiba. Maraming nagbago. Maraming bagong experience. Halu-halo ang feelings.charot. feelings kasi. ;)

Marami akong natutunan nitong first year ko sa college. Nakita ko ang iba't-ibang mukha ng corruption, pandaraya,  panlalamang, pagkakaibigan, kahalagahan ng bonding kahit busy ang schedule, pagtitiwala, pag-sisisi, paglulustay ng pera at marami pang iba.

Namiss ko yung mga ka-block ko nung first sem. Namiss ko yung bonding namin, yung pagkakaisa namin, yung panggugulo namin sa klase.. masaya. kakaiba. kung baga sa naka-drugs.. "High" na "High"


Pagbyahe. Nakakapagod. Paulit-ulit. Pagpasok at pag-uwi. Tas sabayan mo pa ng ulan at bagyo. Yummy ang klima itetch sa Pilipiners with matching baha pa ang drama. Hahaha. idaan lang yan sa tawa. Ang hindi ko lang lubos maisip ay kung bakit nakakapagod bumyahe samantalang wala namang ginagawa sa byahe. diba, diba? nakaupo lang. Nakatingin sa bintana. e pano kung naka-LRT ka naman? stress minsan. kasi may times na inaatake ng pagkasapak sa ulo yung mga taong nakakasakay ko..at ako rin pala. yung simpleng naapakan ka lang ng di sinasadya may away nang mabubuo. Asteeg. Naranasan ko rin yun dati.. Iritable ako nung araw na yun.Meron ata ako (it's a girl thing). Tas ayokong masasanggi. Hahaha. arte. nakasimagot lang ako pagmasasangi tas minsan pag tinoyo titignan ko yung nakasanggi sakin. Sinasapian ata ako ng masamang elemento kaya nagkakaganyan ako (sinisi pa yung masamang elemento e no? xD)

Ang the best sa lahat ay FOOD TRIP. Maswerte kaming nasa University belt kung ikukumpara sa ibang school gaya ng UE Caloocan. Dun kasi, walang kainan. Malayo. Samantalang kaming nasa U.Belt, biniyayaan ng maraming kainan na kakaiba. Ine-explore namin yung iba pang kainan kapag lunch break o merienda time namin.. o kaya minsan... magpapaalam kami sa prof na mag-c-cr lang pero ang totoo talaga ay kakain kami. O kaya naman dadalhin namin yung pagkain namin sa classroom at library. Kanya-kanyang taguan ng pagkain. kailangang makaligtas ka sa mata ng lumilibot na librarian. Kanya-kanyang taktika para mabuhay xD hahaha.

Pagkatapos ng mga major exams, nakagawian na naming i-treat ng mga ka-course kong ka-year ko rin  ang aming mga sarili. Minsan kakain kami ng walang kamatayan..Minsan mamimili kami ng bagong gamit sa SM, Isetan Recto,Ever Morayta.. at marami pang iba. O kaya naman sa dorm ng iba naming classmate.


* Alam kong umpisa pa lang ito ng buhay Kolehiyo. Madaragdagan pa.May mag-iiba. May magbabago. Pero sa bawat pagbabago, dapat ay may matutunan pa rin tayo at matutong ituwid ang mga nagawa nating hindi kaaya-aya. Hindi natin dapat kalimutan yung mga taong nandyan palagi sa atin. Huwag natin silang i-take for granted porke nandyan lang sila palagi dahil baka dumating yung panahon na mapagod din sila. kailangang mag-laan tayo ng oras kahit pa busy yung schedule natin sa mga kaibigan at kaklase natin noon at maging ngayon. Grades lang yan. Hindi pa rin mapapalitan nun ang pagkakaibigan. Ang saya kaya..Masaya akong nakikita ko pa yung mga gradeschool at highschool friends ko ,at the same time..nakakabonding ko pa rin yung mga college friends ko. Ang sarap ng feeling. yung kulitan.. asaran.. kwentuhan.. pagkukwento ng mga unforgettable moments dati.Ang sarap balikan. =)

May 16, 2012

Payphone

.
.
"I've wasted my nights
You turned out the lights
Now I'm paralyzed
Still stucked in that time when we called it love
But even the sun sets in paradise

I'm at a payphone trying to call home
All of my change I've spent on you
Where have the times gone baby
It's all wrong, where are the plans we made for two

If happy ever after did exist
I would still be holding you like this
All those fairytales are full of s***
One more stupid love song I'll be sick

You turned your back on tomorrow
Cause you forgot yesterday
I gave you my love to borrow
But you just gave it away
You can't expect me to be fine
I don't expect you to care
I know I said it before
But all of our bridges burned down"


- -
Now playing: Payphone- Maroon 5 :)

Laughtrip ;)

May 15, 2012

LOL

I love mornings

The first thing I do when I wake up in the morning is to look in the mirror and smile in my reflection. Afterwards, I exercise. Just the simple one ─ stretching my arms and legs here and there, jumping jack and walking back and forth for about 6 times. After that, I prepare my tea and breakfast. I eat my breakfast outside while enjoying the landscape. The surrounding is quite calm and seems to promise new hope and challenges for the rest of the day. The birds are singing melodiously as the sun slowly comes out of its hiding place. In weather like this, I feel so good and relaxed. I love mornings for it's one way of reminding me how lucky I am to be given another day by our Lord.

May 14, 2012

Mother knows best











"Nobody knows of the work it makes
To keep the home together, 
Nobody knows of the steps it takes, 
Nobody knows -- but Mother."
*Author unknown

May 11, 2012

Forgiveness

“I don’t know if I continue, even today, always liking myself. But what I learned to do many years ago was to forgive myself. It is very important for every human being to forgive herself or himself because if you live, you will make mistakes- it is inevitable. But once you do and you see the mistake, then you forgive yourself and say, ‘Well, if I’d known better I’d have done better,’ that’s all. So you say to people who you think you may have injured, ‘I’m sorry,’ and then you say to yourself, ‘I’m sorry.’ If we all hold on to the mistake, we can’t see our own glory in the mirror because we have the mistake between our faces and the mirror; we can’t see what we’re capable of being. You can ask forgiveness of others, but in the end the real forgiveness is in one’s own self. I think that young men and women are so caught by the way they see themselves. Now mind you. When a larger society sees them as unattractive, as threats, as too black or too white or too poor or too fat or too thin or too sexual or too asexual, that’s rough. But you can overcome that. The real difficulty is to overcome how you think about yourself. If we don’t have that we never grow, we never learn, and sure as hell we should never teach.”
-Maya Angelou

May 09, 2012

Paalam Abril ft.Hunger Games

Magkakahalu-halong feelings ang naramdaman ko nung nakaraang abril.
.
.
Masaya, dahil dumating yung tita ko galing ibang bansa. Ang tagal ko rin syang di nakita. Mga 5 years. Kaya namiss ko siya.At ang anak niya.
.
.
Nakakapagod. Kung ang tatay ko ang kanang kamay ng tita ko, kaliwang kamay naman ako. Ako lagi sinasama niya sa pipupuntahan niya at maging sa reunion nilang magkakaklase noon. Natutuwa akong malaman na mga high school friends pala niya yung karamihan niyang nakikibonding sa mga lakad niya-slash-namin.Pumasok tuloy sa isip ko kung magiging ganito din kami ng mga kaibigan at classmates ko nung Gradeschool,Highschool at College.
.
.
Nakakapuyat. Nung nagbakasyon ako sa bahay ng tita ko,laging 12am nako nakakatulog at nagigising ng napakaaga--minsan,5am, minsan 6.swerte na kung maka-7 am ako. NAPAPARANOID AKO. Oo.kapag kulang sa 8-9 hours ang oras ng tulog ko. Ang pangit ng feeling ko kapag di ayos ang tulog ko. Naiirita ako,naiinis at nagagalit sa mga simpleng bagay (overrrr? xD) Oo nga. Sa katunayan, sabi sakin nung isa kong pinsan.. "Ate Roan, bakit lagi kang nakasimangot?" Natawa lang ako. Haha.
.
.
Nakakapagod (for the second time) taga-luto ako at taga-bantay ng mga pinsan at mga kapatid kong umaatikabo ang kakulitan.Mapapatay ko na nga sila isa-isa sa kakulitan e. Buti na lang tinutulungan ako ng isa kong pinsang maayos-ayos naman.
.
.
Naiinitan. Hell yeah. Napakainit. ng panahon.2 beses na nga kong nakakaligo e wala paring talab.
.
.
Nakakatuwa, Kasi buo kaming nagcelebrate ng birthday ng pinsan kong si izabelle sa jollitown. hahaha! Isip-bata mode. chiiiiing xD as in,kumpleto kaming umatend,namiss ko rin kumain dun.lagi kasing mcdo at kfc. Pati nung birthday ng kapatid kong si ria,kumpleto kami. Tas mas sumaya pa nung pumunta sina nica brad at edzen. Pero mas super sigurong masaya kung pati yung iba kong tropa kasama. (ako may birthday?ako?! xD) HAHAHAHA. chenes.
.
.
NATAPOS KONG BASAHIN ANG HUNGER GAMES TRILOGY!!!
emeged, hindi ko tinantanan hangga't hindi ko pa natatapos. Ang saya, sa katunayan nga napanaginipan ko pa yung sarili ko na sumali daw sa hunger games kasama yung buong pamilya ko. Tas naka-jeep daw kami papuntang arena xD patawa lang e. Pero honestly, sa tatlong librong iyon, mas paborito ko yung "Catching Fire" Mula umpisa kasi ng libro na yun, hindi ako naboring-ngan. Tas andami kong laughtrip habang nagbabasa nun. natatawa kasi ako sa ilang character dun lalo na si Finnick. Tas yung pagti-trip nila Katniss at Finnick kay Peeta. Funny. xD
.
.
Kung dati nainlove ako sa character ni Edward Cullen at Jacob Black sa libro ng twilight saga, ngayon, na-inlove naman ako nung umpisa sa character ni Peeta Mellark
.
.
. Mellark,
.
.
 Mellark
.
.
Mellark, natatawa ako sa apelyido niya Pra-ha-missss xD .Ang galing niyang magsalita at ipalabas ang feelings niya. Feeling ko kapag kausap mo siya,hindi kayo mauubusan ng paguusapan. Sumunod naman, sa character ni Gale Hawthorne.Sa pagbabasa ko kasi nung libro, nakikita ko sa ibang scene yung sarili ko sa kanya. At may mga scene na ramdam ko yung pinagdadaanan niya na maaaring napagdaanan at pinagdaanan ko.Ano raw? wala akong naintindihan. basta nandun na yung word na "daan."
Yown. Peroooo...
.
.
Pero nung napanuod ko na yung movie, Banggg! Hindi nila na-meet ang expectations ko. Yung mga scene na gusto kong nandun,Wala. At hindi lang yon. NAIINIS AKO KAY JOSH HUTCHERSON, yung gumanap na Peeta. Para sakin, mas bagay si Alexander Ludwig sa role na Peeta. Mas bagay pa sila ni Jennifer Lawrence.
.
.                    
.
.
The end. Basahin niyo rin yung Hunger Games Trilogy.Hoy! alam niyo ba? gusto kong sumali sa Hunger games?? HAHAHAHA! mamamatay-tao lang e xD bat ba? e kung trip ko e. xD ano kayang magiging weapon ko kung sumali ako?? hmmm..
.
.
.
.
Thanks for reading and may the odds be ever in your favor ;)