March 12, 2012

I love Fencing.

TGIF =))

Last Friday, finals na ng PE subject ko sa fencing. Na-assign akong lumaban that day. Kabado bente ako bago magsimula yung game namin. Pramis, ang lamig lamig ng kamay ko nung time na yun, Super kinakabahan ako kasi ang gagaling ng mga kalaban ko. 4 yung makakalaban ko. Ang saya saya saya saya ko ng manalo ako sa magkakasunud-sunod na game. Nung panghuling game, hindi nako pinalad. Natalo nako. Pero nag-enjoy pa rin ako. At least nakahanap ako ng bagong sport =)))))  All in all, 3 yung panalo ko, 1 yung talo.  Nagulat nga yung prof namin e, kala nya kasi mahinhin ako. HAHAHA. Nung game  na kasi, ako lagi yung uma-attack tas tatakbuhin ko talaga yung kalaban ko.. nagulat nga rin ako sa sarili ko e. Kala ko nung una hindi ko magagawa.. Feeling ko sinapian ako ng kakaibang nilalang nung time na yun. Napaka-thankful ko talaga lalo na kay Lord =)))))) At dahil nanalo ako, nilibre ko yung sarili ko ng chicken fillet at strawberry shake. HAHAHAHAHA. Napakaswerte ko nung araw na yun.




*Ganito yung suot namin habang lumalaban.=)

I love fencing =) ♥