March 07, 2012

A Cycle

Scenario:

"Magluto ka na tapos..blah blah blah.."
.
.
.
"Yung kapatid mo bihisan mo..blah..blah..blah..puro sarili niyo iniisip niyo e!"
.
.
.

Yan ang karaniwan nang naririnig ko pagdating na pagdating ko sa bahay gabi-gabi galing sa eskwalahan.
Saya. Yung feeling na pagod ka na sa byahe, sa school works, sa extrang gawain na may kaugnayan sa extracurricular activities at sa trabaho sa library tapos yun kaagad isasalubong sa mukha mo pagdating mo. 
Umulit yang scenario na yan kagabi. Nainis ako, sabi ko "Teka laaang! kakadating ko lang e.magagawa ko ba lahat yan?saglit lang. Hindi pa nga ako nakapagbibihis e.." Ang sama kong anak no? 

'Tangna (sorry for the word), feeling ko parang gusto kong magbreak down. stress na stress na ko. T.T
Nasa SJA ako ngayon, para mabawasan ang stress, nagsa-soundtrip ako habang nag eencode ng catalog card na ginawa ko. tapos mamaya maglulunch ako.. ba-byahe..balik lesson sa room.. ba-byahe..gabi na makakauwi..balik sa bahay.. maririnig ulit ito:

"Magluto ka na tapos..blah blah blah.."
.
.
.
"Yung kapatid mo bihisan mo..blah..blah..blah..puro sarili niyo iniisip niyo e!"
.
.
.
hahahahahaha. Paulit-ulit. Parang Cycle. Ito ang buhay ko ngayon. Gusto niyo kong tanungin kung gusto ko nang magbakasyon????

Isang malaking HINDI ang isasagot ko sa inyo. Mas gusto ko pang nasa school, kasama yung mga kaklase ko.. nakakabonding ang mga college,high school friends at kalimitan,elementary classmates ko. Sila kasi yung nagbibigay ng atensyon na gusto kong makuha sa bahay.Na-aapreciate ng mga proffesor at kaklase ko kahit yung simple kong achievement. Kahit yung pag-cacatalog ko ng mabilis pero tama. Yung pinapakinggan ka ng mga kaibigan mo.. yung kinakamusta ka kung ano na yung nangyayari sayo..Ang saya ng feeling. kaya mas gusto ko ring ginagabi ng uwi e. Alam ko kasing pagdating ko sa bahay stress ang nagaantay sa akin.