Ash Wednesday.
First time kong mapuntahan yung St. Jude Church sa Manila.
Nung una, akala ko, simpleng simbahan lang siya, pero pagkapasok ko, nagandahan ako. Ang solemn ng place. Iba yung dating. Madaming tao dahil ash wednesday nga. Sa second floor kami ng simbahan umupo. Puno na kasi yung sa ibabang upuan.
Jhang: Kapatid, first time mo pa lang pumunta dito di ba?
Ako: oo,bakit?
Jhang: *ngumiti. mag wish ka tapos kumatok sa sa kahoy ng simbahang ito mamaya bago tayo umalis.
Natawa lang ako, kala ko nagbibiro lang siya. Hindi kasi ako ganon naniniwala sa mga sabi-sabi. Pero for fun, ginawa ko. Nag-wish ako. tatlo.
Una sabi ko sana matutunan kong hanapan ng kasiyahan ang bawat nangyayari sa buhay ko.Yung makuntento kumbaga sa mga binibigay sakin ni Lord. Dumadating kasi sa time na parang di ako nakukuntento,yung naghahanap pa ako ng mas "better," natural na siguro yun sa tao pero hindi dapat pairalin. Narealize ko rin yun kaya hindi na ako ganon nag-e-xpect. Lagi lang kasi akong nadi-dissapoint sa huli.Na kinahahantungan ng pag-sisisi.
Pangalawa, Sabi ko kay Lord, Huwag pabayaan yung mga taong mahal ko at mahahalaga sakin,Ilayo sila sa disgrasya at aksidente at matutunan din nilang maging masaya sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Sinama ko na rin yung mga taong hindi ko ganon nakasundo, yung may mga hinanakit ako,Yung mga nakasakit sakin.Parang gumaan nga yung loob ko pagkatapos ko sabihin yun sa dasal e.
Pangatlo, *akin na lang yun :) nakakamiss :( the same old story.
- - -
My realization:
Minsan may mga bagay na gustong-gusto natin mapasaatin pero hindi naman natin kailangan sa buhay.Hindi ang mga materyal na bagay na nagbibigay lang ng kasiyahan sa isang limitadong oras kundi ang mga taong nakapaligid satin. Pinadala sila dito ni Lord para turuan tayong magmahal,lumaban at magpatawad. Huwag mo silang i-take for granted. :)
Happy leap day my friend :)