February 29, 2012

Three wishes.

Ash Wednesday.
First time kong mapuntahan yung St. Jude Church sa Manila.
Nung una, akala ko, simpleng simbahan lang siya, pero pagkapasok ko, nagandahan ako. Ang solemn ng place. Iba yung dating. Madaming tao dahil ash wednesday nga. Sa second floor kami ng simbahan umupo. Puno na kasi yung sa ibabang upuan.

Jhang: Kapatid, first time mo pa lang pumunta dito di ba?
Ako: oo,bakit?
Jhang: *ngumiti. mag wish ka tapos kumatok sa sa kahoy ng simbahang ito mamaya bago tayo umalis.

Natawa lang ako, kala ko nagbibiro lang siya. Hindi kasi ako ganon naniniwala sa mga sabi-sabi. Pero for fun, ginawa ko. Nag-wish ako. tatlo.

Una sabi ko sana matutunan kong hanapan ng kasiyahan ang bawat nangyayari sa buhay ko.Yung makuntento kumbaga sa mga binibigay sakin ni Lord. Dumadating kasi sa time na parang di ako nakukuntento,yung naghahanap pa ako ng mas "better," natural na siguro yun sa tao pero hindi dapat pairalin. Narealize ko rin yun kaya hindi na ako ganon nag-e-xpect. Lagi lang kasi akong nadi-dissapoint sa huli.Na kinahahantungan ng pag-sisisi.

Pangalawa, Sabi ko kay Lord, Huwag pabayaan yung mga taong mahal ko at mahahalaga sakin,Ilayo sila sa disgrasya at aksidente at matutunan din nilang maging masaya sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Sinama ko na rin yung mga taong hindi ko ganon nakasundo, yung may mga hinanakit ako,Yung mga nakasakit sakin.Parang gumaan nga yung loob ko pagkatapos ko sabihin yun sa dasal e.

Pangatlo, *akin na lang yun :) nakakamiss :( the same old story.


- - -
My realization:

Minsan may mga bagay na gustong-gusto natin mapasaatin pero hindi naman natin kailangan sa buhay.Hindi ang mga materyal na bagay na nagbibigay lang ng kasiyahan sa isang limitadong oras kundi ang mga taong nakapaligid satin. Pinadala sila dito ni Lord para turuan tayong magmahal,lumaban at magpatawad. Huwag mo silang i-take for granted. :)

Happy leap day my friend :)

The Math of Life-

ADD Jesus to your life ; Romans 10:9-10
MULTIPLY your good works; 2Corinthians 9:8
DIVIDE your blessings with others; 2Corinthians9:11
and
Subtract All your fears; 1Peter 5:7

Equals..

A Wonderful life =))
Psalm 16:11


-A text message from a friend of mine,Luisa Gubatan. :)

The brighter side.

Mga gusto ko sanang makuha ngayong college pero hindi nabigyan ng pagkakataon:

1. Interior Architecture o Landscape Architecture
2.Psychology
3.Culinary Arts
4.Legal Management
5.maging sundalo. Army o kaya air force, ayoko ng navy, hindi ako marunong lumangoy.
6.Matutong magpiano.
7.Ipagpatuloy ang pag-aaral ng drums at gitara.
8. Maging model.HAHAHAHA!. oo,pramis, pinangarap kong maging model.Nga lang yung height ko.ehem.

Kaso nauwi ako sa LIS. Haaaayy. Pero natutunan ko na naman paunti-unting mahalin itong course ko. Narealize ko kung gaano ito kinakailangan maging sa ibang bansa.

Pag ako naging librarian, iibahin ko ang mgapatakaran sa loob ng mga "Information Commons."Papayagan ko silang mag-ingay  Papayagan kong kumain sa loob nito ang mga estudyante. papayagan ko silang matulog doon. Hindi ko ibblock ang mga social networks. Magiging kabaliktaran ng tradisyunal na "library." Pati kaming mga tao sa loob ng library iibahin ko. Hindi na yung "mataray,suplada,at nakakatakot-lapitan-na-nilalang  na kala mo laging nasa menopausal stage."

PS: Inuumpisahan nang baguhin ang pagtawag sa mga library ngayon sa buong mundo. INFORMATION COMMONS NA ang kapalit nito.. At ang mga librarian ay hindi na lang mga simpleng librarian .BLENDED LIBRARIAN  na ang itatawag sa kanila. Dito lang naman sa Pilipinas nahuhuli e, sa ibang bansa matagal na yun nagumpisa. Pati yung mga e-beams na mag-iisang dekada nang nagagamit ng mga kano, ngayon pa lang lumalaganap sa Pilipinas. bakit ganito? Wala na bang pagbabago??chos. charaught lang, kayo naman. hahahaaha.

February 27, 2012

February 24, 2012

Stop wrestling with Truth.

Change is an easy thing to decide and a difficult thing to do. Don't be hard on yourself if change doesn't come easily. Make it your goal to not make the same mistakes too often.

-from"When is enough enough?" by Laurie Ashner and Mitch Meyerson

Aksidente ko lang na nakita itong book na to sa Reference Section ng library namin. Na-curios lang ako tas na-attract pa ako sa Title niya. So imbes na hanapin yung pinapagawa ng prof namin binasa ko muna yung nilalaman ng librong ito. Ang gaganda ng topic.Para siyang inspirational book.


It's 9:45 in the morning

No one ever fulfilled a dream without failures.
No one ever perfected a law without a violation.
No one ever love without a broken heart.
Above all, no one can live alone without God.

- from our dear Professor, Dr. Juan C. Buenrostro

*Binasa niya samin yang mga quotations na yan bago magstart yung klase namin. Na-inspire tuloy kaming mag-aral :) hahahahaha!=)) Isa siya sa mga paborito kong prof. bakit? iba siya magturo.Hindi focus masyado sa libro. Yung mga lesson nya hindi namin nakakalimutan.Parang kapag tinuro nya samin yun, tatatak talaga sa utak namin yung lesson na yun. Marami rin siyang kinukwento tungkol sa buhay nya,sa mga naging estudyante nya sa iba't-ibang parte ng Pilipinas at marami pang iba na kapupulutan talaga namin ng aral. Napaka-thankful namin naging Prof namin sya =))

February 13, 2012

u-huh.

HAHAHAHAHAHAHAHA!!


-  -  -

                  LSS ako sa  For the first Time ng The Script. Ang gaganda talaga ng kanta nila :))

February 10, 2012

I'm not a sporty gal.

hi blogger. Ang kapal ng mukha kong sumali sa sports fest ng college namin. 2 game pa sinalihan ko. HAHAHA! panggulo lang ako dun e xD o hayun.. excited nako, Volleyball at Tug of war sinalihan ko. HAHAHA! Nagpagawa pa kami ng jersey at ang maganda dun, color blue pa yung na-assign saming color. favorite ko pa. saya. wew. Actually ayaw sumali ng iba kong ka-course na first year sa mga game. Buti nalang gumana yung convincing power ko sa kanila. excited nako. =)

Textmessage from a kuya :)

" HAHAHA. wala yun :) masaya ako na kahit papano eh nakatulong ako, basta tandaan mo na marami kaming pwedeng tumulong sayo, wag kang umasa palagi sa madalas tumulong sayo dahil minsan, may mga pagkakataon na wala silang kayang magawa para sayo kaya nga marami kang kaibigan e, lahat sila pwedeng mag shine-out para maging karamay mo.stay positive:)"

- - -
#gusto-kong-magkaroon-ng-kuya.

- - -



- - -
Sometimes life becomes too complicated and all you need is just to let it flow because God still controls everything.

February 06, 2012


- - -
Value has a value only if its value is valued.
#foodforthethought.

February 05, 2012

Bakit ko ba ginagawang twitter itong blogger. wew,
Gusto ko magrelax. pramis.