I love other people's birthday and hate my own.
HAHAHA!para akong may sapak no?? ba malay ko ba. Basta ang alam ko ayaw ko ng birthday ko. Kung yung iba super excited at di na makatulog dahil kinabukasan ay birthday na nila, ako hindi. Teka teka.Hindi ako nagda-drama dito ha. gusto ko lang ilabas dito sa blog na to ang mga bagay na naglalaro sa isip ko. Edi yun,Back to the topic.Hindi ko alam kung kelan ko kinaayawan ang birthday ko.Pero tandang-tanda ko yung nangyare this year.Tinago ko sa mga college friends ko yung totoong birthday ko.Iniba ko yung birthday ko sa Fb.Fail ako. may nakaalam kasi sa ka-block kong birthday ko pero kinausap ko sya na wag sabihin sa iba.Pero nalaman din nila paguwi dahil napdpad sila sa wall ko nung gabing yun. Bat ko tinago na birthday ko nung araw na yun??hmm..wala.Gusto ko maramdaman yung feeling na wlang babati sakin sa birthday ko.Nung una nag-enjoy ako..kasi parang may alam akong isang bagay na walang ibang nakakaalam sa mga kasama ko.Yun. weird na kung weird.Naalala ko pa,prelim namin sa English nun.Pangalawa ako
sa highest.
Ang sakit lang kasi di ako binati ng tatay ko nung araw ng birthday ko. Ang sinabi lang nya sakin :"O di ba birthday mo?magsimba ka." .. k.. Pumunta ako ng SJA dahil nakaschedule akong pumunta.Sa GS Library ako naka-assign. ganun din,wala ulit nakakaalam na birthday ko.Pero na-shock ako kasi ipinagluto ako ng almusal ni Mrs.Zeni,napasakto lang na ipinagluto nya ko sa birthday ko.ang kulet lang e.Naaalala kong nag-wish ako pero di naman natupad. Ayos lang.ganyan talaga buhay,parang life. kung may masakit na part nung birthday ko, medyo masasabi ko na ring may masaya ding part dahil di nakalimutan ng Highschool friends ko na birthday ko.kahit yung isang simpleng text lang nila sakin ng Happy birthday ekek,gumaan na loob ko.O yun. Wlang kwenta pinaglalalagay ko no??HAHA! zorry naman.