October 18, 2011

First Sem down, 7 more to go!


Natapos na ang First Semester. Sembreak na ! Yes. sarap ng feeling!
Sa nakalipas na apat na buwan, madami akong experiences:

1.Naging "alcoholic" ako. -I mean,palagian nakong gumagamit ng alcohol
para sa kamay ko.Pagkatapos ko magbayad sa jeep/LRT/bus,mag-aalcohol kagad ako.
arti no. xD

2.Natuto akong mag-tago ng emosyon.'chos. Natuto akong itago ang takot,lungkot,kaba,galit
kahit habang naglalakad sa kalsada.

3.Marami akong bagong lugar na napuntahan at nalibot.Nalaman ko ang pasikot-sikot sa Recto,
Morayta, Avenida, Quiapo, Mendiola, Gastambide,Araneta ,Quezon Blvd.atbp.

4.May bago akong pagkain na natuklasan at ang pinakapaborito ko ay ang Shawarma Rice sa
 Gastambide.Naging palagian kaming customer dun ng mga ka-block ko.

5.Pili lang ang kinukwentuhan ko sa mga ka-block ko ng buhay ko.Karamihan pa ay mga
ka-course ko.syemperd,sila lagi kong kasama.Depende sa isa,Pol Sci yung kinuha.Siya lang
ang nag-iisang di ko ka-course na super kilala ako? at vice versa.

6. Iba't-ibang uri rin ng tao ang nakasalamuha ko.hmm. astigin man,mabait,lukaret,lasengga/
lasenggero,sobrang tahimik,kikay,becky (bading),yobmot,sobrang epal,teacher's pet, late comers,
gangster(as in yung tototo),mga SK ng manila (district6) at marami pa.


7.Natuto akong mag-mura.Super. Siguro dahil palagi kong naririnig sa mga kausap
ko sa klase.Pero di dapat yun ang tamang dahilan ika nga, Napansin ko na, ang pangit
pakinggan,lalo na kapag babae pa ang nagsasabi nun.Kaya,iniwasan ko na gamitin yun.

8.Eto, Yosi. Muntikan ko nang i-try.Na-curious kasi ako kung
anung feeling.Buti na lang di ko tinuloy.Naalala ko kasi yung
pinagsasabi ko nung highschool na : "Gusto ko pag namatay ako,ayokong dahil sa
sirang organ sa katawan ko.." naawa ako sa Lungs ko.

9.Napuntahan ko rin ang iba't-ibang simbahan na malapit sa UE -San Sebastian Church,

10. Na-balanse ko ang oras ko. Naglalaan ako ng oras sa Pag-rerelax, foodtrip, bonding sa
mga kaibigan ko nung Highschool at ngayong College, sa pagrereview, sa pang-uurat,
sa pakikinig sa walang humpay na mga istorya ng buhay at problema ng mga kaibigan ko ngayong
college at pati nung highschool.


11. Naging paborito kong subject ang Math at Logic na di ko masyadong ka-close nung
highschool pati nung gradeschool.Anggaling kasi ng professor e. Ang weird nga e,Yung Prof
namin sa Math,becky tapos yung sa Logic yobmot.HAHAHA. wala lang,dapat nagpalitan
na lang sila ng identity. bad! :P

12.Tuwing gabi ng linggo,natuto akong manuod ng mga Documentary films sa 11.Hindi
ko alam kung bakit. Karamihan kasi nung mga film ay tungkol sa tunay na buhay sa Manila
tulad nung mga pamilyang walang matirahan at nakatira lang sa kalsada.At the same time kasi,
nakikita ko talaga sa pag-pasok yung katulad nila na palaboy-laboy lang sa daanan.Parang kitang-
kita ko talaga yung nasa film sa araw-araw na pagdaan ko sa mga lugar na yun.

13.Naranasan kong maglunch habang nasa harap yung prof.Pero di nya ko napansin?ewan
ko lang.wapakels naman yun e xD


14.Naranasan kong makipagkaibigan sa mga foreigners kong klashmeyts. chos. nosebleed me xD

15.Na-try kong mag-aral sa loob ng CR (kasama si Jhang Flores).Buset,yung time kasi na yun,
Naka-pe uniform kami,e bawal pumasok sa library ng naka-uniform,tas natripan na lang naming sa
CR mag-aral.Kaming dalawa lang tao dun.HAHAHA. mga trip e xD


16. 4 na beses kong naranasang di pagbayarin ng pamasahe sa jeep at 1 beses sa bus ng driver at nung konduktor.. di ko alam kung bakit.siguro mukha kong pulubi xD HAHAHAHA!

17.First time kong mag-rap sa harap ng maraming tao tas nandun pa yung prof ko. NAKAKAHIYA TALAGA!!