September 22, 2011

UE Math Idol 2011

Tawa muna. HAHAHAHAHAAHAHAHAHA!
O eto na. Napasali ako ng wala sa oras sa Math Quizbee. tama MATH. shemay.
mahihimatay ako. x) chos. Yung isa ko kasing ka-block pinilit ako.Di daw sya sasali kapag di ako sumali. So sumali nako. yun. chill lang naman. Trigo, College Algebra at Stats yung pinakatopic. Nakita namin yung mga sumali. Puro Accountants at Engineer yung sumali. Nung makita to nung kablock ko sabi: "Roana, wag na tayo sumali. *toot puro magagaling to sa math oh." ako: ayos lang yan. paki nila x) experience naman natin.

Elimination Round.
Tatlo lang kaming naglakas loob na sumali sa Quizbee na yun sa section namin.
Na late kami.Pagdating namin dun nag-sstart na magsagot yung ibang students. written pa lang yung Elimination Round. Kukuha ng Top 20 na nakakuha ng mataas na score sa written test na yun para sa next round..

Nagstart na ko magsagot. unang question, Factoring. So easy easy ng onti.tutal lesson pa namin yun. tapos hanggang sa nagtagal na. hayup. dinugo na utak o. May isang problem dun di ko maalimutan :

(1000001 raise to 2 ) times (999999 raise to 2) divided by 100001

bawal calculator.edi nagakanda dugo dugo talaga utak ko.Minanu-mano ko. wew. parang nasa impyerno lang x) (todo maka-react e.)

hahaha. yun lang. pag tapos nung Eimination round, Napamura yung a block ko. Sising-sisi sya na sumali.
sabi ko okay lang yan.Minsan lang yan ma-experience x)

At di na kami umasang makakasai pa sa next round. Bow. :)