Una kong nakita yung bestfriend kong si nica panget garcia. x) Dinalaw ko sya sa bahay nya .
wala, namiss ko sya e. Ayoko kasing mangyari ulit yung nangyari when I was in grade school..
Eto kasi yung kwento:
<<-Siya yung best friend ko nung grade school. Maicha pangalan nya. Naging close kami. nagpupuntahan sa bahay ng isa't-isa. kilala ko pamilya nya at kilala ako ng pamilya nya. Kilala sya ng pamilya ko,kilala rin ng pamilya ko yung pamilya nya. Matagal ko rin sya naging close. Grade 5 pa lang. "Magkalaban kami sa academics at lovelife." yan yung tingin samin nung dati nung mga classmates namin. Pero kahit ganon, walang lamat yung friendship namin..hanggang sa grumaduate.
Dumating ang Highschool.. Nagaral sya sa ParaƱaque. Ako sa St. Joseph. Nagkikita pa rin kami nung mga first year kami. Namatay yung nanay nya. So lagi kaming nasa lamay ni mama. Ki-no-comfort namin sya. Hanggang yun na lang yung huli kong kita sa kanya.. nag-fade yung "closeness" namin. Wala akong sinisisi sa mga nangyari.. Siguro naging busy lang kaming dalawa sa mga gawain sa school or sa bahay. Wala,nasasayangan lang ako. First of all, alam namin ang bahay ng isa't-isa.So ang tendency punta na lang kami sa bahay ng isa. yun, sayang lang. Pero nangyari na e. wala nang balikan. Ayokong mangyari samin ni Nica yung ganito.Lalo na sa TNP.
*cut. drama pa e x) balik sa topic.
So yun..nag punta kami ni nica sa KFC pamps. nasaraduhan pa nga kami e. kung anu-ano napagusapan namin. Gusto nyo malaman?? gusto nyo ikwento ko?? ASA! wag kayong paki-elamera.Mind your own business. joke. bitch huh?! x) nakakamiss magkwento sa kanya. chos!HAHAHA. woo. basta ang saya.un un.
Ps: arti namin sa Picture na yan. x) HOHOHO.