Friday nung napapunta ako sa SJA. Nakasalubong ko si Dominic Nacorda. Ngitian nya ko at nag-goodmorning ma'am. Di ko alam na may Mass of the Holy Spirit pala so pinasama na ako ni Mrs. Mendoza sa mass. Ayoko sumama pero no choice ako,
Nagkalat yung mga CAT officers.Binati nila ako. Ang sarap ng feeling na nirerespeto at ginagalang ka pa rin ng mga taong minsang pinahirapan mo.Naka-uniform sila.Yung color blue.Hindi na sila nag-fatigue. hmm.bakit ko pa ba kailangan ikuwento to? Naalala ko kasi yung highschool life ko. Naalala ko dati na kapag may mass, kami yung nasa pwesto nila.Ngayon hindi na,sila na yung pumalit samin. Hindi pa nagstart yung misa.. Nag pa-praktis pa ng mga songs.Parang dati lang.di nasusunod yung oras kung kailan dapat mag-start yung mass.
Nakita ko yung mga dati kong teachers. Ayoko na magpakita sa kanila. So kunwareng nagbabasa ako ng kanta para sa mass.Nakita ko si Sir Baluyot. Hindi ako nagtago sa kanya Ngitian ko sya at nag-goodmorning. Maiyak-iyak na ko nung nakita ko si Sir Bal. Tulad ng ibang CAT Officers,di lang teacher at commander ang tingin namin sa kanya. Para na namin syang tatay. Ansama ko nga e.Winish ko kasi na sana si Sir Bal na lang tatay ko. Anyways.. yun.
Nagstart yung piano..naalala ko dati,classmate ko yung nagpi-piano-si ramon. Nakita ko yung powerpoint,Sabi ko sa sarili ko"Si frinz dati yung nandyan wearing the "bangag face" dahil pinagpuyatan nya yun the day before the mass.
May naiingay na estudyante.May nagsasalamin, may nagtatawanan.. Dati ganyan din kami ng mga classmates ko.maingay palagi at laging tumatawa tapos biglang tatahimik konti pag naglalakad na si Ms.Divinagracia.So tulad ng ineexpect ko,naglakad-lakad nga si Ms.D. nagulat ako.Nginitian nya ko.
Ang ganda ng homily ni Fr.Elso.May isa syang sinabi na di-ko makalimutan- "Just do it, whether you like it or not." Siguro naman naiintindihan nyo? Yung homily nya ganun pa rin..kinakanta nya yung bible verse.
- -
"Kilala ko 'tong surroundings na to. Parang pamilya. I Miss my Highschool Life and my highschool friends SO MUCH."