June 27, 2011

kuya:)

 
 Pangarap kong magkaroon ng kuya. Nagtataka lang ako kung bakit yung mga blockmates ko ay ayaw na ayaw sakuya nila. ang sagot nila: "Mahigpit e." so what? buti nga may naghihigpit sayo di ba? Ibig sabihin may care sayo kapatid mo. Life is so mysterious talaga. Minsan,yung pinapangarap mo binabasura lang ng iba.At minsan naman binabasura natin yung pinapangarap ng iba. Imposible pangarap ko no? awwts.ganyan talaga.
                                                     - - - -

June 25, 2011

Alumni na lang pala ako.

 Friday nung napapunta ako sa SJA. Nakasalubong ko si Dominic Nacorda. Ngitian nya ko at nag-goodmorning ma'am. Di ko alam na may Mass of the Holy Spirit pala so pinasama na ako ni Mrs. Mendoza sa mass. Ayoko sumama pero no choice ako,

 Nagkalat yung mga CAT officers.Binati nila ako. Ang sarap ng feeling na nirerespeto at ginagalang ka pa rin ng mga taong minsang pinahirapan mo.Naka-uniform sila.Yung color blue.Hindi na sila nag-fatigue. hmm.bakit ko pa ba kailangan ikuwento to? Naalala ko kasi yung highschool life ko. Naalala ko dati na kapag may mass, kami yung nasa pwesto nila.Ngayon hindi na,sila na yung pumalit samin. Hindi pa nagstart yung misa.. Nag pa-praktis pa ng mga songs.Parang dati lang.di nasusunod yung oras kung kailan dapat mag-start yung mass.


 Nakita ko yung mga dati kong teachers. Ayoko na magpakita sa kanila. So kunwareng nagbabasa ako ng kanta para sa mass.Nakita ko si Sir Baluyot. Hindi ako nagtago sa kanya Ngitian ko sya at nag-goodmorning. Maiyak-iyak na ko nung nakita ko si  Sir Bal. Tulad ng ibang CAT Officers,di lang teacher at commander ang tingin namin sa kanya. Para na namin syang tatay. Ansama ko nga e.Winish ko kasi na sana si Sir Bal na lang tatay ko. Anyways.. yun.

 Nagstart yung piano..naalala ko dati,classmate ko yung nagpi-piano-si ramon. Nakita ko yung powerpoint,Sabi ko sa sarili ko"Si frinz dati yung nandyan wearing the "bangag face" dahil pinagpuyatan nya yun the day before the mass.

 May naiingay na estudyante.May nagsasalamin, may nagtatawanan.. Dati ganyan din kami ng mga classmates ko.maingay palagi at laging tumatawa tapos biglang tatahimik konti pag naglalakad na si Ms.Divinagracia.So tulad ng ineexpect ko,naglakad-lakad nga si Ms.D. nagulat ako.Nginitian nya ko.

Ang ganda ng homily ni Fr.Elso.May isa syang sinabi na di-ko makalimutan- "Just do it, whether you like it or not." Siguro naman  naiintindihan nyo? Yung homily nya ganun pa rin..kinakanta nya yung bible verse.





                                                                               - -


"Kilala ko 'tong surroundings na to. Parang pamilya. I Miss my Highschool Life and my highschool friends SO MUCH."

June 19, 2011

A Message from a sister :)

Hello Roan,

Tulad ng ginawa ko kay dhubz gagawan ko rin ang buong tnp ng letter. Gusto ko kasing lagi nyo pa rin akong maaalala. Kaya bibigyan ko kayo ng remembrance at eto na ang para sayo...

Goodluck sa college life mo. I’m very happy for you!! Sabi sayo pray lng ng pray. Walang imposible kay God eh! :D Pano ba yan magkakalayo na tayo. Sa UE ka na diba? Andun ka na habang nasa PLM naman ako. Wala ng roana sa PLM.:( Wala ng magtuturo sa akin kung pano ang tamang pagkanta at wala ng magcocorrect ng grammar ko.XD Hinding hindi kita makakalimutan friend. Gusto kong magpasalamat sayo sa lahat ng pagkakataon na nandyan ka para sa akin. Isa ka sa mga lagi kong napagsasabihan ng mga kaeklabuhan ko sa buhay. Isa ka sa mga kaibigan kong nagtiyatiyagang makinig sa kalokahan ko at sa mga problema ko. Isa ka rin sa mga madalas kong napagsasabihan ng mga problema ko dati tungkol sa ** itago natin sa pangalang ***. Haha! Salamat sa mga payo mo at salamat din sa pagtitiwala mo sa akin ng mga kaeklabuhan mo sa buhay. Minsan ikaw naman ung nagsheshare sa akin tungkol sa *** itago natin sa pangalang ***. Haha! blah,blah***** ...  So alam naaaaa! Hahahahahaha! Dadaragin ko lahat ng lalapit na girlalush sa kanya. :P Oo nga pala, kala ko may ***ka na! Lalakero ka talaga yob. Hahahaha! Joke lng.XD Hoy Roana! Mamimiss kita. Promise! Mamimiss ko ung bonding times natin with aira and manay. Hindi ko makakalimutan ung katakawan mo sa burger na libre ni manay.:P Mamimiss ko rin ung bonding natin sa paggawa ng cheer tuwing araw ng parokya. Ang galing natin gumawa ng dance steps. Ang bangis natin!XD Sinasabi ko na nga ba magagaling tayong dancers eh. Hahahahaha! Alam ko magkikita pa naman tayo. Pero hindi na madalas. Mamimiss ko ung roan na tumatambay sa amin paminsan minsan. Hindi ko makakalimutan ang artista kong kaibigan na si roan. Wag ka! Ang bangis nyan mag-emcee.XD Baka one day makita na lng kita host ka na sa T.V ah? Haha! Mamimiss ko ung mga kalokohan natin. Ung paggawa natin ng steps sa lyrics ng heaven at baby. Mamimiss ko ung pagkanta natin nila edzen at linsay sa bintana. Mamimiss ko ung pagchichikahan natin nila edzen, nica at linsay sa loob ng classroom kapag walang ginagawa. Isa sa mamimiss ko sayo at alam kong mamimiss din ng buong tnp ay ung pagiging masayahin mo at ung pagiging concern sa aming lahat. Kung wala ka sa tnp, mababawasan ung impact ng tawanan namin. Isa ka sa laging nagpapasaya sa amin. Mukha pa lng.. pang-clown na eh!:P joke lng. Ang ganda mo kaya. Mana ka sa akin. Artistahin ang dating. Wapak! Hohohohoho! Habulin ata tayo. Habulin ng aso.XDD Pero seriously mamimiss ko ung pagiging bubbly mo. Tapos isa ka sa laging concern sa akin. Pag may nakita kang tnp na nananahimik... isa ka sa unang nagtatanong kung ok lng ba kami? Kung may problema ba? Isa pang inaadmire ko sayo ay ung katatagan mo. Lagi mo kaming tinatanong kung may problema kami pero ikaw bihirang bihira mong iparamdam sa amin na may problema ka. Kahit maraming kaekekan ang nagaganap sa buhay mo. Hindi mo hinahayaang maapektuhan kami. Napaka-masayahin mo kasing tao kaya hindi mabilis mahalata kung may problema ka. Tama naman yan. Hindi dapat dinadamdam ung mga problema para hindi pumanget no?XD Alam kong isa ka sa mga matatapang na babaeng nakilala ko. Alam kong nananalantay din sayo ang dugong gangster. Rak un! \m/ hahahaha! Sobrang grateful ako na isa ka sa mga naging kaibigan ko. Salamat sa lahat ng tulong sa akin ah. Hindi ko rin makakalimutan ung nagcontribution pa ang tnp nung nagkaproblema ako sa Baguio. Maraming Salamat talaga sa lahat. Wag mo kong kakalimutan kahit mahanap mo na ang *** ng buhay mo! Ay este! Magiging prince charming mo pala. Erase erase erase!XD Wag kang mag-alala mahahanap mo rin ang prince charming mo sigurado ako.. Hindi imposible yan. Mahaba ata ang hair mo. Mana ka yata sa akin.:P HAHAHAHA! Huwait ka lng baka na-traffic lng sa EDSA un o baka naman nagpapa-gas pa un. Chill ka lng! Sa ngayon better focus on your studies. Ok? Magaral muna tayo ng maigi. Mas masarap magkaboylet pag may bahay at kotse na tyo. hahahaha! Oh malapit na matapos ung letter ko.. Basta gusto kong malaman mo na kapag kailangan mo ng tulong o gusto mo ng kachikahan tawagin mo lng ako ah. Kapag may nang-away sayo magsumbong ka lng sa akin at dadaragin ko yun kahit gaano pa sya kalaki at titirisin din natin ng pinong pino yun. Bubuntalin natin sila!XD Ingat ka palagi ah. I will miss you, Roana. Lagi kang magpepray. God bless. I Love You! Moo-wah! =D

Love,
Karol



*ouch. makalaglag luha :) 

June 17, 2011

like or Unlike?

     So know, Im going to tell you my first days in my college life in the University of the East. Pag first day, excited  ang mga students so maaga akong pumasok. Sumakay ako ng LRT kasi napaka impatient ko pagdating sa traffic. I arrived there at exactly 12:05. 1:00pm pa naman pasok ko. Mga 12:30 pumunta ako sa room na naka-assign saken. Pagtingin ko sa pintuan.. may nagkaklase na. So ang lola nyo kabado bente xD muntikan nakong pumasok kasi akala ko start na ng klase.Buti ginamit ko yung utak ko nung mga oras na yun. Nagtanung ako sa isang estudyante sa may tapat nung pinto.

ako: Nagstart na ba yung klaseng pang-1pm?
babae:ay hindi pa ho. Psychology ho ba course nyo?
ako: hindi e.
babae: Psychology ho yang nasa room.

*sabay alis nako.Yung conversation na to tumanim talaga sa utak ko. Bakit?simple lang.Pangarap kong course yun.OO sana DAPAT na sagot ko.

tapos nag punta ako sa may hall. May nakatabi akong babae parang nursing yung uniform nya. Kinausap ko sya kasi wala akong makausap dun sa upuan.tas nalaman laman ko PSYCHOLOGY kinuha nya. Hindi naman nagmumulto yung dream kong course?

Yun.Mga quarter to 1pm pumunta nako dun.May nakilala ako.si Patricia.Blockmate ko. kala ko LIS(Library & info Science) kinuha.Tapos meron pa kong nakilala,si Jessie .BS PSYCHOLOGY kinuha nya..(ok.ok) medyo nakagaanan ko kagad ng loob itong si jessie.kalog din sya tska walng awkward moments. Inshort super saya. Tahimik ako ng first day nato sa loob ng klase. Tinitignan ko muna kung pano ang bagay bagay.

Nagkaroon ako ng 2 tropa. Yung isa medyo goody-two shoes. Isang bitchy na. Nagorientation nung mga time na yun yung mga goody-two-shoes kong tropa.Kinabukasan kasi yung sched nung akin so hindi ako makakasabay. naiwan ako. Tinawag ako ni Ems.Pinatabi nya ko dun sa kanila. Yun. nakipagdaldalan nako. nalamn ko yung mga background nila. May anak na yung isa. Ang dami nyang kinuwento. Interesting naman.Time ng college algebra to nung nanyare tas wala pa yung prof so nagkwentuhan muna kami. yan nakilala ko tong ma-bitchy pero mabait na mga tao.(lahat naman ng tao mabait e xD)hanggang sama sama na kaming lumikha ng ingay.

May isang event dun sa loob ng classrom:

Prof. sa English : I only have 3 house rules. first.. EOP.Dop you know it?
Ako: Yes sir! Eat Only Policy.
*nagtawanan blockmates ko.
Prof.: sino yung nagsalita?
*tahimik ako. kinakabahan. Tinaas ko kamay ko. nag smile yung prof.nakahinga ako ng maluwag.kala ko papagalitan ako e xD

June 06, 2011

Ang Buhay na HINDI bitin.

                                                                             ****




The answer to life's emptiness: 

       "Every man is born with a vacuum, an emptiness that can only be filled by finding God."
                                                                                      -Blaise Pascal (Father of Calculus)




  You know what? It's so weird because I accidentally came across with this booklet entitled : "Ang Buhay na Hindi Bitin : How to live a life content, blessed and worry-free by Eduardo O.Roberto, jr."

  Actually, hindi ako mahilig magbasa ng mga ganitong booklet but the title reaaly attracts me.It's so interesting that's why I bought it.Then, that night I started reading it and found out that it's a Christian booklet.You got it. right? Obviously, when I say "Christian" it has something to do with God.

  You might say "I'm so corny".. or "What the hell Roana,Your so religious pala?! freak." No,Honestly I'm not that religious.I don't want to go on a bible study near us and Im not an active member of our Parish Youth groups.
So,what's with the booklet? hmmm..

  First of all,napaka-true-to-life nya.why? Kasi yung mga sitwasyon sa sinasabi ng author ay totoong nangyari sa atin.Most of them ay bukambibig ang salitang "BITIN."  I can't blame them. We all feel "bitin." right? Wala tayong Contentment,Lagi tayong namumrublema.But face it.Problem has become part of our human existence.