Mixed emotions. Masaya ako, naiinis, nagtataka.
MASAYA. Happy ako kasi nakilala kita. Hindi ko inaasahang ma-inlove ulit. Kala ko di na ko ulit ma-ffall. Hindi ko rin inaasahang mafall ako sayo. Hindi ko nga alam kung bakit e, di naman kita type. Tsaka sabi sakin nung isa kong friend nung nangungulit ka sakin,: "Pasensya na ha at pinakilala pa kita sa kanya.. ganyan talaga yan ngayon, Uhaw sa babae, kakabreak lang kasi niya sa girlfriend nya.."
.
.
.
Kaya lalong di kita pinansin. Hello. Baka gawin mo pa kong panakip-butas. Or worse, paglaruan mo pa. Yun din ang reason kung bakit isang tanong isang sagot ako pag tinatry mong gumawa ng conversation with me. Pero out of nowhere, nung isang beses, may napag-usapan tayo. Hindi ko na maalala yun, dun na nagstart ung mahahabang conversation natin. Ang weird nga e. Eh yun na e. Masaya ako sa atensyon, pagmamahal, respeto at tiwala na binibigay mo sakin. :) Ngayon na lang ulit ako nakaramdam nun from special someone. :) natutuwa ako kasi minsan kahit di mo sinasadya, napapatawa, napapangiti mo ko. Basta masaya ako, lalo na pag kasama kita. =)
NAIINIS AKO. Naiinis ako kasi dati, "I miss you" ng "I miss you" ka. Ako naman, di kita nirreplyan sa mga ganong pinagsasabi mo. Parang ewan lang e. Miss mo ko? eh bat di ka gumagawa ng paraan para magkita tayo? Gets mo?
..
...
....
Pangalawa, naiinis ako sayo. Sa INYO. naiinis ako kapag naaalala ko yung kinuwento mong may nangyari sa inyong dalawa ng ex mo. Naiinis ako, kahit wala sa lugar. naiinis ako. Pag nagkkwento ka kasi ng kahit ano sa ex mo, nakikita ko sa mata mo na kahit 10% may nararamdaman ka pa sa kanya, kahit na sabihin mong naka-move on ka na sakanya. Maaaring balikan mo siya, or balikan ka niya. Matagal tagal din naman naging kayo.. Marami kayong memories. Naiinis ako, baka hindi ko masuklian ng mas magandang memories yung naibigay nya sayo.. Naiinis ako. Selos ba tawag dito? haha! Pero naiinis talaga ako, ayoko lang ipakita sayo. baka aksi pag nalaman mo, i-take for granted mo na lang yung feelings ko sayo. Naiinis din ako sa sarili ko. Nakita ko kasi sa FB yung ex mo.Nakita ko yung sweet na comment mo sakanya, at sweet reply niya. Sabi nga ng isa kong kaibigan, "Masyado ka kasing maalam, sana di mo na lang tinignan."
NAGTATAKA ako. Hindi ko alam kung totoong love mo ko, or ginagawa mo kong panakip butas dyan sa ex mo. Napapaisip ako kung namimiss mo pa rin siya. Kung ako ba talaga yung titnitibok ng puso mo ngyon.. O kung i-ggood time mo lang ako. Pero bahala ka na. Basta ako gagawin ko yung part ko :)
*Inlove na ata ako. =) basta, masaya ako ngayon. <3 p="">3>