December 20, 2012

hi=)
So ang tagal ko na ulit hindi nakapagblog?
I'm sorry, SOBRA tambak ng mga gawain na kailangan tapusin.
Anyways.. LAST DAY NA NAMIN NGAYON!!!!!!
Natapos na rin ang prelim exams at makakahinga na ulit ng matiwasay!
yahooooooooooo!!!

Dear God,

 Hello :) Salamat nga po pala at tinulungan nyo po ako sa pagsagot sa exams, sa pagbabantay po sa mga mahal ko sa buhay at sa pagbigay nyo po ng panibagong araw na to para mabuhay ako. Sana po ay makagawa po ako ng tama at hindi po ako magpadala sa temptasyon sa aking paligid. Sorry po sa mga nagdaang araw.. nabadtrip lang po talaga ako kina mama at papa. Alam kong may pagkukulang din ako sa kanila at sila sa akin. Sana po ay matanggap ko na po iyon at hindi napo ako magsisi sa mga nangyari na. Sana po wala na po itong sama ng loob na nararamdaman ko. Ingatan nyo po palagi ang pamilya ko, ang mga kaklase ko po noong gradeschool at highschool at maging yung mga kaklase ko po ngayon. Saka yung mga kamag-anak po namin sa ibang bansa, sana po ay maging masaya yung pasko nila ngayon. Lord, wag no rin pong kalimutan yung mga namatayan at nawalan ng tirahan sa parte ng Mindanao. Sana po sa kabila ng nangyari sa kanila, maramdaman pa rin po nila nag tunay na diwa ng pasko. . .


December 01, 2012


"ONE UE, ONE CHRISTMAS"

Last monday, binuksan na ang christmas tree ng UE. Ibang-iba ngayon kesa dati. Mas malaki ang pinagbago. Nakakaexcite kasi hindi isang bukasan lang yung naganap. Yung mga estudyanteng nasa building ay binigyan ng maliliit na pailaw, tapos.. unti-unting binukasn.. Parang Domino effect. Naimagine mo na??
Ang sarap ng feeling nung time na yun. Nawala sa isip namin ang mga school works, stress etc. Feel na feel na namin ang pasko. =)))) Christmas is in the air na talagaaa!! =)