October 23, 2012

Masaya nako sa pagiging-US (University Scholar), tapos yung ibinigay pa ni Lord ngayong sem UPS (University President Scholarship) naman! ang sayaaaaa :DDD God is good all the time.=)
Just sharing my happiness :) ♥

October 15, 2012


Hello J

Last day na naming kahapon. Hay salamaaaaaat! Natapos din ang sem na to. Super duper stress talaga ako ngayong sem.Ang pangit ng last day namin, may exam. Last time kasi, pag last day na… wala na kaming ginagawa. Gagala nalang tapos sabay-sabay kaming kakain. E ngayon… waleyy. Hanggang gabi pa uwi namin so hindi na talaga kami makakagala.

Sumakit ang ulo’t utak ko sa kakaisip kagabi pauwi. Naiinis ako. Pero wala sa lugar. Kaya wala akong sinabihan nung gabing yun na naiinis ako. Ni hindi ko namalayan na bababa na pala ako ng bus.
Alam kong masama mag-isip ng hindi maganda sa kapwa. Kaibigan ang  turing ko sa kanya pero hindi ko alam kung ganon din sya sakin. Nagadadalawang isip akong i- approach siya minsan. Feeling ko tumatak na isip niya yung salitang “COMPETITION.”
.
.

Madaming nagbagong mga kaibigan ko ngayong sem. Siguro, ako din.. nagbago. Hindi ko ngalang alam kung ano yung pinagbago ko.
.
.
Kagabi din.. napaisip ako..

“Nagpapaka-seryoso ako mag-aral.. Gabi na ko nauwi kadalasan para lang matapos ang mga projects, activities at iba pa sa school.. may duty tuwing Wednesday, sabado’t lingo.. Pag-uwi ko.. parang wala na kong ganang kumain, gusto ko na agad matulog. Tapos, kailangan pang gumising ng ubod ng aga kinabukasan.. tapos parang wala lang sa mga taong nakapaligid ko!? Gusto ko lang naman ng appreciation. Paano kaya kung magloko ako?!? Haaaay. Bat yung ibang classmates ko.. kahit  simpleng achievement lang, yung tipong makapasa lang sa exams at quizzes, may reward na agad?? ”
.
.
Isang malaking EKIS sa mga walang kwentang bagay na naisip ko kagabi. Naalala ko yung sinabi ni Sir Erick samin: “Lahat ng mga bagay na pinaghihirapan ay may magandang ibubunga.”
.
.
SIGURO nga. Siguro stress at sobrang pagod lang ako nung gabing yun kaya yun yung lumabas sa utak ko.
Speaking of Sir Erick.. Hmm. Siya yung favorite Prof ko ngayong sem. Naiintindihan niya ako at kaming buong LS. Siguro dahil bata pa siya. Masaya sa klase niya.. kakabahan ka..pero mag-eenjoy ka sa mga discussions. Kahit pa last subject namin siya, puno pa rin ako ng energy. Idol ko 'tong prof na to e. Kinuwento kasi sakin ng kapatid niya yung buhay ni Sir Erick. By the way.. may kapatid si Sir Erick, dalawang lalaki, bali yung isa dun, classmate ko at ka-course ko. Siya yung nagkwento ng buhay pamilya  nila at ni Sir Erick.
.
.
Nung nalaman ko yung life story ni Sir Erick.. na-inspired ako. Na kahit dumating na yung pinakamatitinding challenges mo sa buhay.. kailangan mo itong harapin. Abutin mo yung pangarap mo kahit anong mangyari.kahit ano pa yang sagabal na siya. GO lang.
.
.
Tapos na tong sem na to. SALAMAT NAMAN. Natuto na ko.
BAKASYON NAAA! Pero ang gara kasi may duty pa ko sa SJA. Hindi ko masusulit ang bakasyon.
Anyways.. HAPPY VACATION.
Magpapagupit nako ng maikli. Maiba naman. HAHAHAHAHA! :DDD
God Bless you all.
-R