June 24, 2012


THE FIVE PEOPLE YOU MEET IN HEAVEN by MITCH ALBOM
Kakatapos ko lang basahin last last week. Napakagandang istorya. Thumbs up for Mitch Albom. =))

June 19, 2012

nakakainis, sana di ko na lang nakita yun. nak nang.. jellyace.
#taoLang.

June 17, 2012

Natapos na ang unang dalawang lingo ng semester na ito. Dalawang linggo pa lang, pero parang ang dami nang nangyari. Nakakapagod. Nakakabangag. Nakakatuwa. Nakakainis.

Nitong dalawang linggo din ako nag-umpisa sa pagharap ng responsibilidad bilang bagong treasurer ng organization namin. Challenging, conflict kasi yung time ng paniningil ko sa kanila ng buwis sa schedule ko. At dahil doon, kailangan kong dumiskarte. At sa awa ng Diyos, nakapaniningil ako kahit conflict sa time ko.

Akala ko puro magagaling at enjoyable na prof ang kababagsakan ko ngayong sem. Hindi pala. Yung Propesora namin sa English(College Reading and Writing) ngayong Sem ay puro daldal. At pagawa ng kung anu-ano. Tuwing time niya, inaantok kami lagi. Minsan nga hindi na ako nakikinig, kasi kung anu-ano ang pinagsasabi niya. Minsan naman, nilalaro ko yung ballpen ko, hinihipan ko sa desk ko. Try niyo.

Nakabangga ko nung first week yung President ng Organization namin. Nainis kasi ako sa kanya. Nag-ugat kasi yung misunderstanding saming mga second year nung enrolan. Dapat kasi 6 na major ang dapat naming makuha e 4 lang yung inenrol naming.. so nainis sila kasi hindi daw naming sila tinatanong, e samantalang nung nagenrol kami, nandun sila tas di nila sinabi kung anu-ano ang dapat i-enrol. Inirapan niya ako, so ako naman, naginit ulo ko, kasi ang ayos-ayos ng ngiti at approach ko sa kanya tapos ganon ibubungad niya sakin. Sabi ni Deil (ang bakla kong kaibigan na isa sa ka-close sa course naming na talo pa kaming mga babae pag nag-ayos..) babaan ko daw yung pride ko. Tinry kong magsorry sa kanya about dun sa enrolan issue in behalf ng buong second year.

Ako: “Ate jes.. Sorry nga po pala.”
Ate Jes: “ANONG SORRY? PARA SAAN?!” *pasigaw*

Nabadtrip lalo ako sa kanya sa sagot niyang yan. Nilayasan ko siya  tas hinabol niya ako. Sabi niya Joke lang yung pagsigaw na yun, Pero nag-iinit pa rin ulo ko. Sabi ko sa kanya, “Wala, wala.” Tas nilayasan ko siya ulit kasama yung mga second year.

Tinext ko siya nung gabing yun habang nasa bus ako. Sabi ko:
“Ate jes, good evening. Una sa lahat sorry kung may pagkakamali kaming mga second year sa i-nenrolang subjects. Pangalawa po, sana po intindihin nyo po yung desisyon namin. Kasi, sorry for the word, pero parang nakakagago yung ginawa mo sakin kanina.. Yung ang ayos-ayos ng pagkakatanong at approach ko sa inyo tas ganun yung isasagot nyo sakin. Ang taas po kasi ng respeto ko sa inyo, at ayokong masira ng buo iyon lalo na’t may pinagsamahan din tayo .”

Walang smiley ang everything yung text ko sa kanya. Nagreply siya.

“goodevening din roan, pasensya na kung nasungitan kita kanina, Yung about dun sa subjects, wala na yun. Ganito lang talaga ako. Pasensya na rin.”

Hindi ko na siya nireplyan.

Pero medyo nagkakausap-usapn na naman kami ngayon. Pero.. hindi ko parin makalimut-kalimutan yung nangyaring yan.


June 10, 2012

Yung tipong gabi ka na nakakauwi tapos kailangan mo pang gumising ng sobrang aga kinabukasan para sa major subject. Damn this sem. I hate my schedule very much.
.
.
#estudyanteLangHo.