October 17, 2010

ONLINE quiz :)

Mcdo,Comp shop,SM
11:30-4:00 onwards

hindi naman kame excited mag online perio?11:30 ready na kame.

Nagkita kaming TNP sa Mcdo pamplona.Nakita ko si laila.Hanep,kala ko kung anung nangyare sa mata.
kumalat na pala yung MASCARA niya.Oo,Tama ang nakikita niyo.Nag me-make up na po si Laila.May nanliligaw na ata.WeW!

Grabe,bago magstart yung test ihing-ihi na ako.Ayoko pa muna ilabas kasi baka nga magstart na.
So all in all,pinigil ko ang ihi ko ng isang oras.

Grabe,taranta yung iba.Yung iba kung anu-anong taktika ang ginawa..

Bute naman pasado kaming lahat.Dumiretso naman kami sa SM Center,Pahinga muna sa aral.Enjoy muna.

Nag  CR muna kame dahil nga ihing-ihi na ako at sila..Tas nag Toms world naman.Nagdance revo.Namiss ko na Mag dance revo e.Ayun,Bano pa rin.E kung banno ako,ano pa si nica?hahahahaha!!

TAs nag Quantum naman kami.As usual,videoke.Kanya-kanyang pili ng kanta.

Habang naghihintay ng turn namin,kumaen muna kame nila inna ng milky scramble. Taob yung scramble sa labas ng school \m/

Tapos,kantahan na.Pinapunta ako ni mama kala Lola kaya umuwe na ko. Kaya yun.tapos.

October 10, 2010

Nica's momentum :)

Happy birthday Slurpei nica!

What:Birthday bash
When:October 09,2010
     6:oo am- 6:oopm
why:birthday nga kasi ni nicalog.
where:Midori



 Ci-nelebrate namin ang last day ng pagiging 16 ni NICA D. GARCIA.Yung babaeng walang tigil sa pagtawa.Naging successful at na enjoy naman ng ating birthday girl ang araw na ito.Pumunta HALOS ang buong St.Thomas.

Medyo late na rin ako nakapunta kasi may ginawa pa ako sa bahay namin.Mga 11:oo na ako nakarating.Kasabay ko si slurpei kamzee at becca.Pagdating namin dunsabog sila.May nagvivideoke.Mag nagsu-swimming na.May tahimik na nakain sa isang tabi(si arnold.xD)Gutom?gutom? haha. Edi kumaen na rin kami.Pinirito ni aira yung dala-dala naming pagkain.busog.

 Pagkatapos kumen,inantay ng iba na lumilim dahil baka mangitim sila at dahil mainit.Nung lumilim na,nag takbuhan na sa pool.May nag pipicturan.May MGA nagmomoment sa pool.Hiya naman kaming mga walang kaloveteam.

Nung nagsawa na ako sa tubig,Nag volleyballnaman ako kasama sina Sharm,alyssa,edzen,niel,ferrie,kamz,merian.Grabe laughtrip e.

Grabe,andameng umiyak sa araw na ito.Napansin korin na maraming malungkot,problemado at nakatulala.May masaya,may nagpapraktis sa pool.May nagcocontest,pabilisan lumangoya sumisid.Sorry lang,diako marunong lumangoy .Anyways,bumawina lang ako sa pagvivideoke.

Nung pauwe na,kanya kanya ng puntahan sa shower.Picturan ulet.Tapos may nagmoment ulet sa taas.Wew.Kumanta ulit kami nila Pauline,karol,edzen at aira.Hiya naman kami ni edzen,kamilang magaling kumanta dun.HAHA!

TApos..UWIAN NA.Group Picture ulet. :))

Tapos,Hinatid namin si nica sa bahay nila.

Laughtrip w/ Graham

1o.o8.1o
SJA,Food city,Fronterra


Eto na.Grabe,laughtrip nung Eko.Go sisterhood of mabale.Next ang CAT,grabe,dumadugong-madugo dahil sa pagkaka-alam ko,kailangan naming mag ENGLISH.You know,we have to speak and teach our platoon using that language.Char!haha

Next is yung pagligaw kay nica.Usapan kasi magkikita sa harapng julie's,E dahil sa namimili pa sa patio yung mga kasama ko,nakita kami ni nica..Tapos Nawala sa paningin  namin yung babaeng yun.So nagisipna kami.Naandar na kasi yung oras,Nasasayang.So Nagpunta muna kami ng Food city para mamili ng ingredients sa graham.Ayun,nag-tagaldin kami dun.Muntik na di makauwe dahilang mahal pala ng mga ingredients.Habang kinakalkula namin yun,sumalampak pa kami sa may lapag.Para kameng(justin,inna,edzen,merian,karen) ewan.

Pagkatapos mamili,punta na kmai kala karen pero bago yun,naghanap muna kami ng mangga para sa graham.E tae,mahal nung mangga.Nagisip kami ng ibang prutas,may nakita kaming saging e sabi inna wag daw.Ang gara daw pag yun yung ginamit.Edi sinuggest namin ni edzen yung nakita naming BALOT.Ayaw naman nila.Pwede namn yun diba sa graham?Grabe,Laughtrip kami habang naghahanap ng ibang mabibilihan ng mangga.Tapos matapos ang napakahabang nilakad nami,ganun din pala yung presyo ng mangga.So nakabili na kami ng DALAWANG PIRASO NG MANGGA.haha.Wew na wew.

Dumiretso na kami kala karen.Uminom muna ng tubig at nagbukas ng isang biscuit ng Graham tapos may nakita kaming corned beef na nilamon este pinalaman namin dun.haha.Tapos dumating si miglog.Picturan ulet.Nagkaroon ng pictorial yung graham matapos gawen. Tapos turn naman naming magpicturan.Tumambay pa muna kami sa labas nila karen.Antagal dumating nila sharm.Kailangan ng umuwi ni inna kaya sumabay na rin kami nila edzen.Grabe,Kapagod.Tapos nasalubong namin sila sharm at niel.Hanep.Tapos mukha kaming timang ni edzen,walakasi kaming suot na relos e gusto naming malaman kung anong oras na,so tingin-tingin kami sa relos ng pasahero.kala tuloy nung isang pasaherodun siya tinitignan.EXCUSE ME!haha!:))

October 03, 2010

The so-called TNP

Paalala:
Ang mga sumusunod na lathalain ay para lamang sa mga batang may edad na labing walo at pataas.Patnubay ng magulang ay kinakailangan.


TNP Syndrome
Kasabay ng pagtuklas at pag-gawa ni Sir Isaac Newton(1642-1727) ng Law of Motion ang di inaasahang pag tuklas ng isang karamdamang walang lunas  na tinawag ng pinagsamang pwersa ng mga siyentista at ekonomista na TNP SYNDROME.

"Mahirap malaman kung ang isang tao ay mayroon nito.Maaaring ito ay hereditary o kaya'y nasa paligid lamang." ang ulat ng tanyag na doktor noong 16th century na nakatuklas ng biogesic.

"..unti-unti itong naglaho ng ilang taon ng hindi man lang nalaman ang lunas.Namatay si Isaac Newton na masama ang loob.bakit?ewan  ko.Pero natakot ang lahat nang mabalitaang  muli itong sumibol." ang pagpapatuloy ng doktor.

Isang arkeologo na nagngangalang Adolf Hitler ang nakatagpo ng mga biktima ng TNP SYNDROME na nagaaral ngayon sa Akademya ng San Jose,Ang tahanan ng tanyag na bamboo organ.Naitala niya ang mga sintomas nito.

Mga Sintomas:
-natawa ng napakalakas at nakabibingi
-nagsasalita ng mag-isa minsan
-weirdo
-mahilig magbasa ng libro
-Nagbabasa ng libro o ng kahit ano sa ilalim ng lamesa ng library
-natawa na lang ng walang dahilan
-dakilang tambay
-tatawa nalng ng di alam ang pinagtatawanan.
-mahilig mag daydream
-mahilig sa stolen picture
-mahilig kumaen
-bading
-praning
-mahilig matulog
-sira ulo
-babaeng lalake
-mahilig mag videoke.
-musical
-rapper
-script writers
-hunghang
-laging nagaantay sa HOGWARTS.
-bangag
-baliw
-tahimik na bungangista
-Angas
-gangster \m/
-marami pang iba.
-marami pang iba
-at marami pang iba. =p

Nabanggit sa itaas ang ilan sa mga katangian ng TNP.Ang TWINA POTTER.

Word history:
Twi-"TWIlight ni stephenie meyer" Tungkol sa bampira at mga osong may pangil.xD(werewolf)


Na-"NArnia ni C.S Lewis" tungkol sa isang leon na may friends na apat na nilalang.


Potter-"harry POTTER ni Jk Rowling" tungkol sa isang batang teenager na may astig na peklat sa noo na walang sinasanto kahit na yung praning na zombie na si voldemort aka "Voldielicious"

Kahapon,October 2,2010 ipinagdiwang ng madla ang kapistahan nila.Isang taon at pitong buwan na sila.Congratulations!(clap 3 times)


Binubuo ito ng mga babaeng-lalaking-bading.

*[Aira/direk/bhar-bhar/donna/boomboom/
accio edward]-Ang napakagaling na direktor namin.Grabe kung makatawa,kita ngala-ngala.madalas sa bahay nila nakatambay ang TNP.Treasurer din.Maaasahan sa pera.hair designer,binubwiset namin madalas ni nica tuwing umaga na magpatali ng buhok.Mahilig magsulat ng mga stories.Siya ang nag-udyok(wow ang lalem!) sa akin na basahin ang twilight saga.Inlove kay edward at jacob.Magaling na adviser pagdating sa usapang L-o-v-e at iba pa.Praning.Baliw.Responsableng kapatid,kaibigan at estudyante.Mahilig din mag-gitara.Kasa-kasama ko hanggang sa community service.Isa sa mga pupuntahan kong bahay kapag lumayas ako sa amin.Kasa-kasama ko rin sa pag bwiset sa pagkaeng dala ni karol tuwing lunch. Madaming pangarap sa buhay.

*[Pearl/pearlalaoo/lyka/alambilfelicis]-
Ang pinaka-Clumsy na tao na nakita ko.Pramis.close my heart,mamatay man ako.totoo talaga.HAHAHA!pangalawang tambayan ang bahay nila ng TNP.Hindi ka magugutom.Busog ka lagi.Napakadaming alam.Mahilig sa stolen picture.Nagawa rin ng mga stories.Potential writer.Mahilig sa Paramore.marunong din mag-gitara.MALIIT:)
bading,praning.Mahinahon.Magaling rin na adviser sa kahit anong bagay.Napakabaet na ate sa minamahal niyang kapatid.

*[Pauline/poh/paupaksiw/pau/daaabs/aravis riddle]-napakagaling at napakabait na ate.Maswerte ka kung siya magiging ate mo.pramis.bading kasi yan e.mahilig rin magsulat ng mga stories.potential writer of the next century.marunong din mag-gitara.magaling na adviser din.May SCOLIO.kaya wag mong paluin sa likod,mahal yun,sa ibang parte nalang.Grabe din makatawa.Wag mo painitin ulo nyan baka sapakin ka niyan.Marami ring alm sa kung anu-anung bagay.DEBATERA,obvious naman magaling sa debate,.Seryosopag may ginagawa.Marunong umintindi.Choir yan!rak on \m/

*[Nica/nicz/knick-knacks/nicalog/nicaloo/ NX/Niix/slurpei/loonica marie]-Ang pinakamatanda sa TNP.Walang humpay ang tawa.Maraming Ek-ek.Bading.baliw.hunghang.Mature minsan.Minsan isip bata.masaya sa lovelife niya ngayon.xD madaling mairita minsan.MATAMPUHIN.Lagi kong tambayan yung bahay nila.Isa sa mga bahay na pupuntahan ko pag lumayas ako ng bahay namin.HAHA!:))Napakaresponsable rin na ate pero minsan TAMAD.kasama ko sa kalokohan at kaek-ekan..Magaling din na adviser sa mga problema at buhay-buhay.Marunong din mag-gitara.Palaban.Nangunguna sa pag aayos ng mga meeting ng TNP katulad ng pagpunta sa Golden Haven.Badtrip kung badtrip.Marami ring pangarap sa buhay.Makwento.kahawig ng kapatid nyang si jeremy.Malokong estudyante.xD mahilig mantago ng bagay na i sa kanya tulad ng pagtago ng berret ko.Kasama ko rin sa TSG.Nasasabihan ko ng mga problema at ng kung anu-anong kaepalan.Mahirapna seatmate.Di ka masyadong makakapag-focus sa teacher kasi mas gugustuhin mong makipagdakdakan nalang sa kanya.haha. xD

*[Laila/leyla/dobby/kreacher]-kulot daw siya pero di salot.umayos kayo ba!matinik sa boys.Hindi ko maintindihan ang ugali noon.Pero ngayon nag bago na siya at masaya ako para dun :))Madaling Magtampo yan.mahilig magbasa.mahiyain,laging galit at ayaw sa bahay nila.Naiinis ako sa kanya minsan kapag hindi sya sumusunod sa usapan.Ate rin yan..May pusong babae.LOL xD Madaling mairita.Suplada,Bading din.makwento rin.Mahilig at adik sa K-pop.Maramdamin minsan.minsan wala sa ayos yung joke kaya naiinis ako.Ang sarap niya pagtripan at asarin.Natouch ako nung sabihin niya saken na isa raw ako sa di niya makakalimutan pagdating ng college:)
kasa-kasama sa pagtambay sa hogwarts.Mahilig uminom ng four seasons na nabibili sa patio.Six pesos yun,bili din kayo.


*[Kamille/kamz/kamzee/kamzilog/kamzipot/ slurpei]-Nung unang kita ko sa kanya nung first year,nagandahan ako sa kanya.pero nung first year yun.haha! ka-slurpei ko rin yan.kikay yan.May malungkot na kwento sa buhay pag-ibig.(char!xD)Stick to one yan.maswerte ka kung ikaw na yun.Sweet yan,Palaging may pm.NAPAKABUSY,pano ba naman SC secretary yan.panis kayo!Mabaet yan.MAHILIG KUMAEN sa katunayan,lagikong kasama yan sapagbukasng pagkaen at kung anu-anong biskwit sa klase.At dahil magaling kame..hindi kame nahuhuli.Concious sa EYEBAGS niya.Sexy daw siya??napakaraming pangarap niyan sa buhay.Open siya lagi sa pagkwento ng talambuhay niya.Makwento.kadaldalan korin yan.nasasabihan kong mga problema at ng kung anu-ano.maloko.Mahilig mag picture.Responsable ng ate,kaibigan,lector,kaklase at anak?xD pangarap niyang mag drive ng eroplano at nangako saken na ako ang isa sa magiging UNANG pasahero niya sa Eroplano.Open rin yan sa mga magulang niya.pati nanay niya alam ang lovelife niya. Paulet-ulet samga sinasabi minsan .praning na ata e. :)

*[Jane/ja-ne]-Napakatalino nyan.Magaling mag english.Prangka.seryoso,marunong din mag-gitara.GALAERA,kung saan saan napapadpad.Laging NATUTULOG,hanggang sa classroom..Pag sinasaniban ng kakulitan,jusme,parang nakawala sa kural.Malakas ang kilite.Mahilig sa CHOCOLATE.Bangag.WRITER ng sikat na dyaryo ng akademya ng San jose,ang tahanan ng tanyag na bamboo organ.May kagalingan sa pamumuno.Istrikto.Maloko.Mahilig mamatid at akominsan ang nabibiktima niya.Bading din yan.Hindi rin magpapatalo.DEBATERA din.Madaldal.Garbe kung tumawa.Parang sinaniban,kita kaluluwa.Maramiring alam.Tagaturo namin sa tuwing di namin msyadong naintindihan ang lesson lalona sa physics.

*[Christia/xtia/violet girl]-Naku!Napaka organize ng tao na yan.Tinaguriang "the walking National book store and watson."Lahat ng kailangan mong gamit mahihiram mo sa kanya.Bihira lang siya sumabay sa TNP.Kikay,tahimik.maayos sa sarili.Maloko rin yan.Masaya ri ata sa lovelife niya ngayon.Bunso yan ng pamilya nila.mahinahom mag-salita.xD

*[Rebecca/bek-bek/becka/rebecz/]-
Naparaming alam na tugtuging instrumento niyan.mabaet.Maramdamin.Tahimik pero makakausap mo rin yan ng matino.tatawa yan kahit anung joke sabihin mo sakanya.Madaling umintindi.Artistic.Magaling salettering at pag-do-drawing..Bihira lang din yan sumabay sa TNP.Maunawain.Mabaet na kapatid.Minsan napapraning na.xD

*[Janinna/inna/inna-log/inna-san/bhurr-
bhurr/ate/sentisymphony]-Napaka musical ng taong to.Tahimikperopag dinaldal mo.ayun na.wala nang katapusan.ayaw niyan yung taong paulit ulit na parang sirang plaka.Seryoso yan.Lokohan kapag lokohan..yan yung nilalapitan ko kapag nagtatampo at nagagalit ako kay nica o kamzee o kahit sino.Nasasabihan ko ng problema yan.NAPAKAHINAHON NYAN.pramis.yung tipong nagkakagulo na kame,kinakabahan na kame..siya,kalmado pa rin.Haha.xD Magaling rin yan kumanta.Malinis sa gamit.nagalit lang ako sa kanya dati nung first year kasi di niya ko pinahiram ng color e kailangan ko kasi arts namin nung time na yun..haha.Kasa-kasa ko yan sa Hogwarts. Kasama ko rin yan sa pag-da-Dance revo sa tuwing napunta kami ng SM at pagvi-videoke sa quantum o sa tom's world.pag napatawa mo siya achievement mo na yun.Bihira kasi yan tumawa. :))

*[Karol/Karolus/karoling/karolina/maria clara/daabz]-Singer at aktres.Ka baryo ko tuwing Araw ng parokya.Makwento.Kilos lalake minsan.Sinasabihan ko rin ng Problema ko.At sinasabi rin naman niya sake yung sa kanya.Maloko.BUSY kasi secretary namin yan sa CLASSroom.MAPUTI.Tambayan ko rin minsan yung bahay nila.Maalagang ate.MArunong umintindi.natataranta minsan.Laging shini-share samen yung dalaniyang pagkaen tuwinglunch.Bading.malabo ang mata at natatakot siya rito.Gangster.Sweet.Laging nandyan.itetext or kakausapin ka kapag may problema.Maganda magsulat.kasa-kasama ko sa kalokohan at pag punta ng CR..Magulo minsan.. :))

*[Roana/roan/Slurpei/roa/Arowana/bharr-
bharr/kreacher]-ang may-ari ng Blog na ito.Natutong magbasa nang mapunta sa TNP.Nakasama sa tawanan,lungkot,galit,inis,galaan,party at kalokohan ng TNP.Mabilis mataranta.haha!xD makulet.paulet-ulet minsan.natawa mag-isa minsan.Marunong din mag-gitara.Maloko.Bading.Masasabihan niyo ng kahit ano.Matampuhin minsan.Nagkalat ang gamet sa kwartoat sa upuan ko sa classroom.LAging sinasabi na:"may reson si God kung baket ganto ganyan.." sa mga problemadong kaibigan.Pero totoo naman,LAging may dahilan yung bagay kaya nangyayare.Hindi mo man alam,basta meron yun.Madameng ek-ek.Laging nanti-trip.nakikipaghabulan.Natawa ng akala mo wala ng bukas.Madali MINSANg mabadtrip pero mabilis din naman mawala yung kabadtripan.Ayoko ng mga taong sinungaling,back stabber at plastik. Gusto ko pag nagsasalita akolaging may nakikinig.Madaldal.Laging napupuna at napapagalitan ni ms.sermise dahil sa ingay at tawa kong walang humpay.Maraming pangarap sa buhay.

Happy TNP DAY sa lahat.NApakaswerte ko at nakilala ko kayong lahat.Maraming salamat at lagi kayong nandyan sa bawat isa sa atin.Lagi kayong nandyan kapag kailangan ko kayo at lagi kayong nandyan para pakinggan ako.kahit minsan nagkakatampuhan tayo sa isa't-isa ,natututo pa rin nating magpatawad.Ingat kayo palagi at sana di magkalimutan pagdumating na ang college life.Lagi lang akong nandito sa inyo.Wag kalimutang Magdasal at magpasalamat sa Kanya.God Bless.Be inspired live,laugh,love :)))))))))