March 07, 2012

A Cycle

Scenario:

"Magluto ka na tapos..blah blah blah.."
.
.
.
"Yung kapatid mo bihisan mo..blah..blah..blah..puro sarili niyo iniisip niyo e!"
.
.
.

Yan ang karaniwan nang naririnig ko pagdating na pagdating ko sa bahay gabi-gabi galing sa eskwalahan.
Saya. Yung feeling na pagod ka na sa byahe, sa school works, sa extrang gawain na may kaugnayan sa extracurricular activities at sa trabaho sa library tapos yun kaagad isasalubong sa mukha mo pagdating mo. 
Umulit yang scenario na yan kagabi. Nainis ako, sabi ko "Teka laaang! kakadating ko lang e.magagawa ko ba lahat yan?saglit lang. Hindi pa nga ako nakapagbibihis e.." Ang sama kong anak no? 

'Tangna (sorry for the word), feeling ko parang gusto kong magbreak down. stress na stress na ko. T.T
Nasa SJA ako ngayon, para mabawasan ang stress, nagsa-soundtrip ako habang nag eencode ng catalog card na ginawa ko. tapos mamaya maglulunch ako.. ba-byahe..balik lesson sa room.. ba-byahe..gabi na makakauwi..balik sa bahay.. maririnig ulit ito:

"Magluto ka na tapos..blah blah blah.."
.
.
.
"Yung kapatid mo bihisan mo..blah..blah..blah..puro sarili niyo iniisip niyo e!"
.
.
.
hahahahahaha. Paulit-ulit. Parang Cycle. Ito ang buhay ko ngayon. Gusto niyo kong tanungin kung gusto ko nang magbakasyon????

Isang malaking HINDI ang isasagot ko sa inyo. Mas gusto ko pang nasa school, kasama yung mga kaklase ko.. nakakabonding ang mga college,high school friends at kalimitan,elementary classmates ko. Sila kasi yung nagbibigay ng atensyon na gusto kong makuha sa bahay.Na-aapreciate ng mga proffesor at kaklase ko kahit yung simple kong achievement. Kahit yung pag-cacatalog ko ng mabilis pero tama. Yung pinapakinggan ka ng mga kaibigan mo.. yung kinakamusta ka kung ano na yung nangyayari sayo..Ang saya ng feeling. kaya mas gusto ko ring ginagabi ng uwi e. Alam ko kasing pagdating ko sa bahay stress ang nagaantay sa akin. 



wizards, vampires and magicians.



"Well, that's the sad reality nga.. Now that we are in College, we seldom see and bond with each other as a group. Thank goodness social-networking sites and phones exist. But, as one of my friends said, we shouldn't just rely on those technological advancements to keep our communication in existence. It's so hard to meet up with everyone especially with the conflicts in class schedules and other activities. As summer approaches, I bet there will be a lot of moments for us to reunite again."
-FROM SENTISYMPHONY'S BLOG 
(http://sentisymphony.blogspot.com/2012/03/is-it-really-happy-anniversary.html)



HELLO THERE =)

Nung nag anniversary yung TNP last March 2,2012.. Super akong na-touch sa mga messages nila.
Nagreminisce ng mga nangyari noon.. yung mga di malilimutang pangyayari.. at marami pang iba.
Isa sa mga message na damang-dama ko ay yung message sa amin ni Mama Jane. Gulat nga ako e, ang aga ng pag-kakagreet nya sa amin. Sabi niya, aagahan na niya yung pag-greet bago pa siya magpakalunod sa mga school works. Pero tumatakdin  talaga yung message ni Brad.tignan nyo yung sa taas^ yung nakabold na letters. Yun yon. 



- - -
Don't let trivialities dissolve friendship.

February 29, 2012

Three wishes.

Ash Wednesday.
First time kong mapuntahan yung St. Jude Church sa Manila.
Nung una, akala ko, simpleng simbahan lang siya, pero pagkapasok ko, nagandahan ako. Ang solemn ng place. Iba yung dating. Madaming tao dahil ash wednesday nga. Sa second floor kami ng simbahan umupo. Puno na kasi yung sa ibabang upuan.

Jhang: Kapatid, first time mo pa lang pumunta dito di ba?
Ako: oo,bakit?
Jhang: *ngumiti. mag wish ka tapos kumatok sa sa kahoy ng simbahang ito mamaya bago tayo umalis.

Natawa lang ako, kala ko nagbibiro lang siya. Hindi kasi ako ganon naniniwala sa mga sabi-sabi. Pero for fun, ginawa ko. Nag-wish ako. tatlo.

Una sabi ko sana matutunan kong hanapan ng kasiyahan ang bawat nangyayari sa buhay ko.Yung makuntento kumbaga sa mga binibigay sakin ni Lord. Dumadating kasi sa time na parang di ako nakukuntento,yung naghahanap pa ako ng mas "better," natural na siguro yun sa tao pero hindi dapat pairalin. Narealize ko rin yun kaya hindi na ako ganon nag-e-xpect. Lagi lang kasi akong nadi-dissapoint sa huli.Na kinahahantungan ng pag-sisisi.

Pangalawa, Sabi ko kay Lord, Huwag pabayaan yung mga taong mahal ko at mahahalaga sakin,Ilayo sila sa disgrasya at aksidente at matutunan din nilang maging masaya sa araw-araw na ginawa ng Diyos. Sinama ko na rin yung mga taong hindi ko ganon nakasundo, yung may mga hinanakit ako,Yung mga nakasakit sakin.Parang gumaan nga yung loob ko pagkatapos ko sabihin yun sa dasal e.

Pangatlo, *akin na lang yun :) nakakamiss :( the same old story.


- - -
My realization:

Minsan may mga bagay na gustong-gusto natin mapasaatin pero hindi naman natin kailangan sa buhay.Hindi ang mga materyal na bagay na nagbibigay lang ng kasiyahan sa isang limitadong oras kundi ang mga taong nakapaligid satin. Pinadala sila dito ni Lord para turuan tayong magmahal,lumaban at magpatawad. Huwag mo silang i-take for granted. :)

Happy leap day my friend :)

The Math of Life-

ADD Jesus to your life ; Romans 10:9-10
MULTIPLY your good works; 2Corinthians 9:8
DIVIDE your blessings with others; 2Corinthians9:11
and
Subtract All your fears; 1Peter 5:7

Equals..

A Wonderful life =))
Psalm 16:11


-A text message from a friend of mine,Luisa Gubatan. :)

The brighter side.

Mga gusto ko sanang makuha ngayong college pero hindi nabigyan ng pagkakataon:

1. Interior Architecture o Landscape Architecture
2.Psychology
3.Culinary Arts
4.Legal Management
5.maging sundalo. Army o kaya air force, ayoko ng navy, hindi ako marunong lumangoy.
6.Matutong magpiano.
7.Ipagpatuloy ang pag-aaral ng drums at gitara.
8. Maging model.HAHAHAHA!. oo,pramis, pinangarap kong maging model.Nga lang yung height ko.ehem.

Kaso nauwi ako sa LIS. Haaaayy. Pero natutunan ko na naman paunti-unting mahalin itong course ko. Narealize ko kung gaano ito kinakailangan maging sa ibang bansa.

Pag ako naging librarian, iibahin ko ang mgapatakaran sa loob ng mga "Information Commons."Papayagan ko silang mag-ingay  Papayagan kong kumain sa loob nito ang mga estudyante. papayagan ko silang matulog doon. Hindi ko ibblock ang mga social networks. Magiging kabaliktaran ng tradisyunal na "library." Pati kaming mga tao sa loob ng library iibahin ko. Hindi na yung "mataray,suplada,at nakakatakot-lapitan-na-nilalang  na kala mo laging nasa menopausal stage."

PS: Inuumpisahan nang baguhin ang pagtawag sa mga library ngayon sa buong mundo. INFORMATION COMMONS NA ang kapalit nito.. At ang mga librarian ay hindi na lang mga simpleng librarian .BLENDED LIBRARIAN  na ang itatawag sa kanila. Dito lang naman sa Pilipinas nahuhuli e, sa ibang bansa matagal na yun nagumpisa. Pati yung mga e-beams na mag-iisang dekada nang nagagamit ng mga kano, ngayon pa lang lumalaganap sa Pilipinas. bakit ganito? Wala na bang pagbabago??chos. charaught lang, kayo naman. hahahaaha.

February 27, 2012

February 24, 2012

Stop wrestling with Truth.

Change is an easy thing to decide and a difficult thing to do. Don't be hard on yourself if change doesn't come easily. Make it your goal to not make the same mistakes too often.

-from"When is enough enough?" by Laurie Ashner and Mitch Meyerson

Aksidente ko lang na nakita itong book na to sa Reference Section ng library namin. Na-curios lang ako tas na-attract pa ako sa Title niya. So imbes na hanapin yung pinapagawa ng prof namin binasa ko muna yung nilalaman ng librong ito. Ang gaganda ng topic.Para siyang inspirational book.